‘Pag-inom ng marami, bawal na sa akin’
Talagang happy ako dahil kahit meron akong sakit, wala akong nararamdaman na kakaiba sa katawan. Except sa boring na apat na oras na dialysis session twice a week. Kaya talagang parang normal lang ang lahat kahit pa nga alam ko na delikado at medyo seryoso ang kidney problem ko.
Actually nga, ang ikinainis ko bakit sa liga namin nila Ricky Lo, Ethel Ramos, Mario Bautista at Isah Red, ako na lang ang naiwan na hanggang ngayon isa pa rin ‘menace’ - isang tao na malamang na magdulot ng pinsala; isang banta o panganib.
Hahaha.
Kaloka ‘di ba. May ganun pa sila sa aking impression.
Well, keri pa talagang magmaldita noh. Hindi pa rin makakalusot sa akin ang ugly fat ladies na hindi naman makabwelta sa mga sinasabi ko kahit noon pa.
Nakakapagsulat pa ako noh kaya ‘wag ninyo akong pag-chismisan.
Mas importante sa akin ‘yung nakakalabas ako ng bahay paminsan-minsan para mag-lunch sa mga paborito kong restaurant. Pero hanggang Tomas Morato, ayokong bumiyahe sa malayong lugar.
Saka paulit-ulit lang naman ang kinakain ko, steak na kadalasang tini-take out ko ang tira. Hahaha.
Ewan ko ba kung ba’t ako nagki-crave sa steak.
Sabi naman ng mga doktor ko, walang problema sa pagkain, kainin ko raw lahat ng gusto ko pero ‘wag akong masyadong magtubig.
Dapat kasi 1 liter lang ng tubig ang pwede kong inumin sa isang araw pero dahil sutil ako, sobra-sobra sa isang litrong tubig ang naiinom ko sa isang araw. Kaya ang ending, pati nurse sa FEU hospital, minamalditahan ako sa katigasan ng ulo ko.
Pero sa totoo lang, pakiramdam ko kasi ay matanda na naman ako noh.
Saka nagda-dialysis naman ako kaya keri nang tumungga ng tubig na mahigit isang litro sa isang araw.
Hayaan mo nang pagalitan na ako ng mga doktor. Hahaha.
Basta love ko ang mga doktor at nurse na nag-aalaga sa akin sa FEU Hospital. ‘Yun lang at babu na.
- Latest