^

Pang Movies

KathDen, itutuloy sa teleserye!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KathDen, itutuloy sa teleserye!
Kathryn Bernardo and Alden Richards in a scene from 'Hello, Love, Goodbye'
Star Cinema

Hindi lang sa pelikula pwedeng magkasama sina Kathryn Bernardo and Alden Richards kundi maging sa teleserye rin.

Sa panayam ng KathDen sa online program na On Cue, aminado naman ang dalawa na open sila in doing teleserye together kahit pa magkaiba sila ng network.

Sey ni Kathryn, siyempre, una sa lahat ay ang kani-kanilang network muna ang magdedesisyon at mag-uusap tungkol dyan. “Management ‘yung mag-uusap. Parang para sa amin, bago naman nila i-pitch ‘yon, maraming discussion ‘yan, mahabang discussion,” sey ni Kath.

“So, kapag naka-decide na, you, know both networks, and then, ipi-pitch sa amin, we’re just very open naman with it,” dagdag pa ng aktres.

Of course, depende pa rin daw sa materyal at sa schedule nila.

“Basta may magandang material, ok sa both networks, walang masasagasaan na schedule, then, let’s be open lang sa possibilities,” sey ni Kath.

Pagdating naman sa pagsasamang muli sa pelikula after Hello, Love, Again,  hindi pa masabi ng dalawa kung kailangan na namang maghintay ng 5 years para mangyari ito ulit.

Matatandaan kasing 2019 nang una silang magsama sa Hello, Love, Goodbye  and it took 5 years bago nasundan.

Natatawang sabi ni Kath, “so, 2029” na ang tinutukoy ay ang year ng next film nila.

Sabi ni Alden, “we’ll never know, eh. Once siguro na may magandang story, something new, something different to show the people.”

Basta open naman daw sila sa muling pagsasama sa isang proyekto.

Daiana, nawalan ng anak habang nagpapagamot sa cancer

Bumilib kami sa katatagan ng ng Brazilian model-actress na si Daiana Meneses dahil nakaya niyang lampasan ang mabigat na pagsubok na hinarap sa kanyang pakikipaglaban sa stage 2B breast cancer.

Sa panayam sa kanya ng vlogger/reporter na si Morly Alinio, idineklara niyang cancer free na siya pero bago niya ito nakamit ay matinding challenges din ang kanyang pinagdaanan.

She revealed na ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanya ay nang mawalan siya ng anak habang nakikipaglaban siya sa cancer.

“I got pregnant but unfortunately I lost my baby nu’ng pang-four months na ako. Malaki na pero I lost my baby,” pahayag ng model-actress.

“Some people say it’s because of the treatment I was doing for cancer. But I feel like it’s from medicine.

“My baby during…when I found out had no lymphs. So my baby was incomplete talaga like hindi siya talaga na-develop. Hindi siya nabuo and the organs ay nakadikit,” pagbabahagi pa ni Daiana.

Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, labis siyang nagpapasalamat sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina at ang kanyang kasalukuyang kasintahan.

Sa tanong kung handa na ba siyang maging isang ina muli ngayong cancer-free na siya, aniya, “Hindi ko na siya pinangarap kasi for me, kung bibigyan ni Lord, go lang. Pero kung hindi, okay lang din mag-e-enjoy tayo.”

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with