Bong, ‘di pinag-iingay ang mga ginagawa
‘Pag talagang mabait ang isang tao kahit saan mo pa subukan, ang kabaitan pa rin niya ang talagang lalabas.
Isa sa nakita kong example nito si Bong Revilla. Kahit pa nga ano ang ginawa o nagawa ng mga naging kalaban niya nanatili siyang grounded at sincere sa kanyang mga ginagawa.
At talagang isa siyang very loyal na kaibigan kaya never niyang iniwan kahit kailan ang mga taong malapit sa kanya.
Kaya naman kahit meron mga pagsubok na dumarating sa kanya talagang nalalagpasan niya dahil na nga sa sincere at wala siyang anumang iniisip na masama kahit kanino. At anuman ang ginawa o nagawa ng mga taong ayaw sa kanya never niya itong itinanim sa utak niya.
Basta para sa kanya karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng sariling opinyon. Kaya naman napakagaan niyang kasama at maging kaibigan.
No matter what some will say, isa si Bong Revilla sa mabubuting tao na nasa mundo natin ngayon.
At palagay namin isa siya sa dahilan kung bakit maganda at maayos ang ating paligid. Silent worker si Bong. Hindi siya tulad ng iba na lahat nang ginagawa alam ng lahat, nababasa o nalalagay sa TV o radio. Basta ginagawa niya ang sa palagay niyang tama, at natutuwa siyang makita na maganda ang resulta.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon tuluy-tuloy ang tiwala sa kanya ng tao.
Kaya thumbs up, Bong Revilla. Congrats for a job well done. Bongga.
- Latest