^

Pang Movies

Chelsea, pinanlaban ang Hiraya Manawari!

Salve V. Asis - Pang-masa
Chelsea, pinanlaban ang Hiraya Manawari!

MANILA, Philippines — Stunning si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo sa Preliminary Competition ng Miss Universe 2024 sa Mexico City noong Biyernes.

Pero hindi siya mukhang isang tunay na Pinay.

Parang mixed African and European ang ganda niya.

Sana nga ay maiuwi ni Chelsea ang korona lalo na at ang bongga ng kanyang National Costume na inspiration daw ay ang Hiraya Manawari.

Ayon sa post ng pambato ng Pilipinas “An homage to our rich history and culture, HIRAYA by Manny Halasan.”

Nag-post din siya ng highlights sa kanyang swimsuit competition:  “From the moment I stepped on stage, I felt the ocean breeze in my soul! Sharing a few highlights from my preliminary swimsuit performance. It’s all about confidence and representing the Philippines with my whole heart.”

Pero ‘wag muna sanang masyadong umasa ang mga netizen. Ang daming kalaban.

Ngayong taon, naglabas na rin ang Miss Universe Organization ng bagong format ng kumpetisyon. Mula sa 130 na kandidata, 30 lang ang aabante sa pageant at 12 lang ang magpapaligsahan sa evening gown portion. Mula sa 12 tanging limang binibini ang matitira at magpapakitang-gilas sa question and answer round.

Para matulungang makapasok si Chelsea sa Top 30, maaaring i-download ang Miss Universe app sa mobile devices at pindutin ang “Philippines.”

May oras pa naman.

Masungkit kaya ni Chelsea korona bilang Miss Universe? Abangan sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC bukas, Linggo, umpisa ng 9:00 a.m.

Mga namimirata kina Alden at Kathryn, bantay-sarado na

Binabantayan na ng ABS-CBN ang mga nami­mirata sa Hello, Love, Again.

May mga naglalabasan na diumanong pirated version nito sa ilang social media paltforms na oras nga naman na mapirata ay maaapektuhan ang resulta nito sa takilya.

May ibinigay silang email address kung saan maaaring i-report ang link ng pirated version ng pelikula – [email protected].

Patuloy ang pag-arangkada ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa takilya at umabot na diumano agad sa P155 million ang kinita  sa loob ng dalawang araw.

At ipinapalabas na rin ang pelikula sa Australia at New Zealand simula Huwebes (Nob. 14) at mapapanood na rin sa mga sinehan sa United States, Canada, Guam, at Saipan simula noong Biyernes (Nob. 15) at sa London simula Sabado (Nob. 16).

 Unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ang Hello, Love, Again na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Nagsisilbi itong sequel sa 2019 top grossing film na Hello, Love, Goodbye.

Movie ni Zanjoe, may Playdate kaagad

Bago pa nag-umpisa ng shooting ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family starring Zanjoe Marudo, naayos na ng producer nitong si Ogie Diaz (Ogie Diaz Productions) ang playdate ng pelikula.

Yup, sa Jan. 22 ito ipalalabas, exclusively sa SM cinemas.

Marami kasing local films na ang playdate ang problema kaya importante na nakakuha kaagad sila ng playdate at sa SM cinemas pa.

Ito bale ang comeback movie ni Zanjoe after two years ng pamamahinga.

Aminado si Ogie na hinintay talaga nila si Zanjoe sa pelikulang ito. Kaya nang umoo na ang mister ni Ria Atayde, saka nag-casting sila Ogie.

“Inawitan namin si Zanjoe para tanggapin niya,” chika ni Ogie na unang nakilalang entertainment writer / columnist hanggang naging sikat na vlogger at ngayon ay tinupad ang pangarap na maging movie producer.

Inamin ni Zanjoe na nagustuhan niya kaagad ang kuwento ng pelikula na isang family drama. “After siguro mga almost two years, hindi ako tumanggap ng trabaho. ‘Eto ‘yung isa sa projects na tinanggap ko dahil alam kong ‘eto ‘yung isa sa mga hinahanap ko matagal na, ‘yung mga ganitong klaseng concept, ‘yung mga ganitong klaseng istorya,” pahayag ng actor sa ginanap na announcement presscon nito few days ago.

Kuwento ito ng karakter ni Zanjoe at ng kanyang pamilya kaya may similarities ang mga isinali nila sa cast tulad nina Nonie Buencamino at Susan Africa bilang ama at ina ng karakter ni Zanjoe, Richard Quan, panganay na anak, at marami pang iba.

Masaya ang bagong ama sa kanyang pagbabalik sa pelikula.

Aniya, kailangan niyang gawin ‘to para sa anak nila ni Ria Atayde na wala pang face reveal sa social media. “Hindi ko naisip ang name reveal o face reveal,” depensa niya sa mga nang-uurot sa kanila. “‘Pag may nagtanong, ‘pag may gustong makita, pinapakita ko at sinasabi ko ang pangalan pero hindi para iharap o post ko sa online.”

Katwiran ng actor, sanggol pa ang anak nila. “Kumbaga, wala pa siyang two months, eh. Kaya hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online. Kung gusto n’yo namang makita, ipapakita ko sa inyo,” katwiran naman ng actor.

At napaka-cute naman sa ipinakita niyang photos and videos ng anak nila ni Ria.

Nae-enjoy na niya ang pagiging ama. Kahit aniya puyat siya o walang tulog masaya siya. At oo nga, kamukha ni Zanjoe na tisoy version.

Samantala, nag-umpisa na last Monday ang shooting ng How to Get Away From My Toxic Family sa direksyon ni Law Fajardo.

May ilan pang mga pinaplanong pelikula ni Ogie, pagkatapos ipalabas ito na pangako niya ay tiyak na maraming pamilya ang makaka-relate sa kuwentong ito.

Dalawang aktor, Lotlot sa survey

Ang baba pala sa resulta ng recent survey ng dalawang kumakandidatong celebrity sa pagka-senador.

Nakaka-bother daw.

Kaya kailangan daw nilang mag-double time kumbaga sa pag-iikot.

Or baka rin naman iba ang resulta kesa sa survey.

Maaalalang si Sen. Robin Padilla ay hindi naman number 1 sa survey pero topnotcher siya sa nakaraang election.

Gitgitan ang labanan sa senado na 12 lang ang kailangang manalo sa May 2025.

CHELSEA MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with