Alden at Kathryn, umaapaw ang lambuchingan!
Masyadong pinag-uusapan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Isipin mo palabas sila sa mahigit 600 theaters.
Kung ang pagbabatayan ay ang takbo ng kuwento at ang pagkakahanay ng mga pangyayari, sasabihin naming mas nagustuhan namin ang unang pelikula. Pero siguro kung ang fans ang tatanungin, dahil sa rami ng lambuchingan sa pelikulang ito, mas gusto nila ang pangalawa. Malaki naman ang kaibahan ng fans na nanonood ng pelikula ng mga idolo nila kaysa sa karaniwang tao lang na nanonood ng pelikula.
Ang pelikula nina Alden at Kathryn ay isang example ng kuwentong ginawa para sa fans. Alisin mo ang mga mahahabang lambuchingan nila, malaki ang mababawas sa pelikula, pero siguro mas gaganda ang istorya.
At saka to be honest, siguro dahil alam naman ng lahat at hindi naman itinatago na sina Kathryn at Daniel Padilla ay mag-syota noon sa tunay na buhay, parang mas totohanan ang kanilang romantic movies kaysa kina Kathryn at Alden, punuin mo man ng lambuchingan scenes ang pelikula, parang may kulang pa rin.
Statement sa social media, walang bearing
Ken, hinahamong humarap sa korte
Finally lumabas na rin si Ken Chan at nagbigay ng kanyang katuwiran. Sinasabi niyang wala siyang nilokong tao. Totoo naman daw na nagbukas sila ng Café Claus, nagkaroon pa iyon ng tatlong branch, eh nalugi, ano nga naman ang magagawa niya.
Ang malaking mali ni Ken Chan, hindi niya hinarap ang kaso. Kung hinarap niya iyan maaaring sa piskalya pa lang natapos na at hindi ganyang nagkaroon pa ng warrant of arrest laban sa kanya.
Ang kaso niya ngayon ay syndicated estafa, walang bail. Para rin iyang economic sabotage. Kaya ang mangyayari sa kanya, makukulong siya habang dinidinig ang kaso. Unless magaling ang abogado niya at makumbinsi ang hukuman na payagan siyang makapag-bail.
Pero kaya ganoon ang isinampang kaso ng piskalya kasi nga hindi siya humarap eh. Nagtago siya at sa paniwala nila para mapanagot siya kailangang nakakulong na siya habang dinidinig ang kaso, para hindi na siya makapagtago.
Ang sagot naman ng mga nagdemanda sa kanya, kumpleto ang kanilang ebidensiya para patunayan ang syndicated estafa, kaya ang hamon nila “Pero kasi bakit ayaw mo humarap sa korte nga? Why hide and seek, why may probable cause if nalugi.”
At sa ngayon wala na nga siyang magagawa pa kundi humarap sa korte dahil habang nagtatagal iyan, lalong madaling mae-establish ang bad faith. Walang silbi ang kanyang statement sa social media.
Male starlet, hirap makabangon sa gay films
Ngayon tanggap na ng isang male starlet na mali siya ng desisyon na gawing lahat ang mga kahalayan, kahit na simulated lamang iyon sa kanilang internet series. Dahil gumawa na nga siya ng ganoon, nawala ang dating offers sa kanya na maging endorser ng mga produkto.
Si Direk naman na ang pangako sa kanya ay sisikat siya nang husto, ayun at may kinuha na namang bago.
Ang katuwiran ni direk, “wala na akong maipagagawa sa kanyang bago, nagawa na lahat eh.”
Iyan ang hirap sa mahahalay na pelikula, basta nasimulan ka mahirap ka nang makabangon. Kailangan ang kasunod mo ay mas matindi pa ang kahalayan. Hindi lahat kasing suwerte ni Coco Martin kahit na nagsimula rin sa mga mahahalay na gay films, sinalo naman ng ABS-CBN.
At saka kasi nauna naman ang yabang sa male starlet eh. Ano pa ang chance niya eh sa rami ng baguhang mas may personalidad. Nandiyan si Andres Muhlach. Iyon lang hindi na niya kayang tapatan eh, tapos ngayon sa ABS-CBN nakuha pa si Robbie Jaworski, saan ka pa pupuwesto kung nobody ka?
Sayang ang male starlet na ‘toh na nakitaan naman talaga ng potential.
- Latest