^

Pang Movies

Tom, ‘broken’ ang anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tom, ‘broken’ ang anak
Tom

Mahigit tatlong taon na rin pala ang nakaraan nang kontrobersiyal na paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Dalawang buwan pa lamang silang nakakasal tapos hiwalay na agad. Pero naging matigas si Carla sa kanyang desisyon, gusto na niyang makipaghiwalay kay Tom.

May pinasok na negosyo si Tom at na-scam siya. Iyon diumano ang dahilan kaya siya nagpunta sa Cebu para habulin ang nang-scam, pero inabot pa nga siya ng bagyo. Mukhang nadamay raw sa scam pati ang pera ni Carla. Iyon ang tsismis noon.

Dahil hindi na rin naman sila nagkakasundo, habang nasa US ay nag-file na si Tom ng divorce, hindi lamang para makapag-asawa siyang muli kundi para bigyan na rin ng kalayaan si Carla.

Sa tagal ng pananatili niya sa America, nakakita naman si Tom ng panibagong partner, na siyang ina nga ng anak niya ngayong si Korben, na anagram daw ng salitang “broken.”

Apat na buwan lamang ang bata, kaya maliwanag na hindi nagkaroon ng overlapping, ibig sabihin divorced na sila ni Carla noong kumuha si Tom ng partner. 

Chloe, gumanti kay AiAi!

Kantiyaw ang inabot ni AiAi delas Alas mula kay Chloe San Jose. Sa kasagsagan ng controversy, nag-post si AiAi ng pagpuna kay Chloe na sinasabing “girlfriend ka pa lang, hindi ka pa asawa,” na parang sinasabing wala siyang karapatan na makialam sa controversy ni Carlos Yulo at ng pamilya noon.

Aminado naman si AiAi na kampi siya kay Angelica Yulo, ang nanay ni Caloy.

Sa isip naman ni Chloe kung wala siyang karapatang makialam dahil gilfriend pa lang naman siya, mas lalo namang ano ang pakialam ni AiAi na hindi naman kaanu-ano.

Ngayong si AiAi naman ang iniwan ng kanyang asawa, ang sabi naman ni Chloe, “what you do to others will come right back at you 10x”

Tiyak na hindi riyan matatapos ang controversy ng dalawang iyan dahil tiyak sasagot si AiAi, pareho naman silang palaban. 

Alden, kinumpara kay Gabby!

Pagkatapos ng ina-anticipate nilang napakala­king pelikula ni Alden Richards kasama si Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again, gagawa raw iyon ng seryeng kasama si Sanya Lopez.

Bakit nga naman hindi, kung matatangay ni Alden si Sanya sa mas mataas na level ng populariad eh ‘di may panlaban na rin ang mga taga-Kamuning sa mga artista sa kabila.

Eh papano kung hindi mabuhat ni Alden, tiyak na siya ang sisisihin. Alalahanin ninyo nadala ni Gabby Concepcion si Sanya, at matindi ang ratings ng kanilang dalawang ginawang serye.

Pero masusubukan ang husay ni Alden o lakas niya sa pagtambal kay Sanya.

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with