^

Pang Movies

Napuno ng tubig, Ivana naospital dahil sa paglaki ng tiyan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Napuno ng tubig, Ivana naospital dahil sa paglaki ng tiyan
Ivana Alawi.
STAR/ File

“Sa lahat ng dinanas ko sa buhay, isa ‘to sa pinakamatindi na pain,” simula ni Ivana Alawi sa kanyang sakit na dahilan kung ba’t siya natagalan sa hospital.

Sa kanyang vlog nga ay idinetalye ng actress/content creator ang aniya ay pinakamahirap na journey ng buhay niya.

“Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, fee­ling ko wala na talaga ako. Ganu’ng level. Nagpa­punta na lang ako ng ospital noong hindi ko na kaya,” paglalahad niya sa kanyang pinagdaanan.

‘Yun pala, napuno ng fluid ang kanyang tiyan.

“I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant.

“Ang laki niya and it grew day by day, ta’s nu’ng padulo na, patigas na siya nang patigas. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga.

“Konting lakad ko lang parang hihimatayin ako, nanlalamig na ‘yung buong body ko tapos tumitirik daw ‘yung eyes ko, ganun,” pag-amin pa ng Kapa­milya actress.

Nanghihina na raw siya at hirap na hirap na siyang huminga kaya’t nagdesisyon na siyang magpadala sa hospital.

“’Yung last time na parang sabi ko, hindi ko na kayang huminga, kasi feeling ko kada hinga ko, para akong nalulunod.

“I felt like the liquid was already getting into my lungs. Ta’s parang sabi ko, ‘butasan n’yo na ako, kahit saan, kahit ilan ang gusto n’yo, basta tanggalin n’yo lang itong sakit.’”

Almost two liters diumano ang tubig na natanggal sa kanyang tiyan.

At saka lang daw naging maayos ang kanyang pakiramdam.

“I’m still recovering, hindi pa one hundred percent okay,” dagdag pa niya.

Nakauwi na siya sa kanilang bahay at nakapag-vlog na nga siya.

vuukle comment

HOSPITAL

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with