^

Pang Movies

Sugar daddy ang peg? KC, nahihiya ‘pag sinasabing jowa niya ang kanyang daddy

Salve V. Asis - Pang-masa
Sugar daddy ang peg? KC, nahihiya ‘pag sinasabing jowa niya ang kanyang daddy
Gabby at KC

MANILA, Philippines — Aliw ang pahabol ni KC Concepcion sa happy birthday post sa kanyang papa Gabby Concepcion na kasalukuyang nasa concert tour sa Canada kasama ang kanyang mama Sharon Cuneta.

Aniya: “(People abroad sometimes think he’s my boyfriend when they catch us talking on video call, nakakahiya! Hahah ) @concepciongabby.”

Samantalang anlayo ng age gap nila, 20 years.

Sixty years old ang actor at 39 si KC (base sa Google university hehehe).

Anyway, binati nga niya ang ama ng “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love! I thank God everyday for our effortless bond, and the chance He gave us to be closer than ever as father-daughter. Always grateful for the parents God chose for me. I love you.”

Pa-joke ng iba followers niya ‘sugar daddy’ ang peg nila.

Anyway, sa April ay 40 na si KC at ang wish ang fans niya, magka-jowa na para makahabol sa biyahe. Sayang daw ang lahi kundi siya magkakaanak.

Piolo, hitsurang laging nangangailangan...

Bakit nga ba naluha si Piolo Pascual habang pinapanood ang sariling eksena sa Pamilya Sagrado?

Aminado si Papa P na emosyonal ang pagtatapos ng Kapamilya teleserye sa huling dalawang linggo at proud siya sa kinalabasan nito kasama ang co-stars na sina Grae Fernandez at Kyle Echarri.

“Nakaka-touch, nakakaiyak [ang episodes]. I was watching the episode last night and I was sobbing sa sarili kong eksena. Ganun siya kabigat at intense. Ang hirap ng journey kaya kailangan maganda ‘yung ending,” sabi niya sa finale mediacon na ginanap noon Nobyembre 5 bago siya lumipad pa-Canada.

Sa kabila ng matinding hamon sa pagganap bilang tiwaling opisyal, buong puso itong tinanggap ni Piolo at nagpapasalamat siya sa impact nito sa kanyang career.

“It’s given me a different perspective on how to portray roles. I enjoy the process of being able to give life to a character and be somebody else. I played a role that I never thought I’d be able to play this early in my career,” kwento niya.

At dagdag niya sa takeaway niya sa pagtatapos nito : “With different characters. Ang dami mong takeaway, especially about politics, about family, about love, and you know, the story where it all started, ‘yung redemption ng family, ‘yung name, and yeah, I guess it all boils down to family. That’s why it’s Pamilya Sagrado, ‘yung concept ng family as a unit of our society. So, ‘yung mga realization ng mga character, up to the end, ‘yan talagang masasabi mo na hindi lang kapupulutan ng aral but also entertaining to watch because ang haba ng journey. Ang haba ng tinakbo ng istorya. So it has to come to an end wherein it’s a happy ending, you know, and you really learn from it.”

 Pero since ang dami talagang naghihintay dun sa story, hindi ba naisip ng production na magkaroon ng extension or season 2? “Hindi eh. The scripts for our show exuded a certain charm when we received them. Hardly any revision, hardly any rewrites, and from day one until we end it, it was, naka-package siya. Certain number of episodes, certain number of tapings because lahat kami may commitment after. So, there’s no way we could extend it or stretch it. And that’s the beauty about telling a story, eh. Kailangan talaga may definite end ka. So, I’m just happy because we worked for a long time for this. And we knew from the get-go that there shouldn’t be an extension because nagkaroon naman ng redemption in the end for the characters.”

After this, paano ka mamimili ng gagawing teleserye?

“I’m happy to say that since I’ve been around for a while with ABS, they know the characters or what they should avoid in terms of what they give me. And also, we’re adapting to the times. We’re also growing with our audience, so they are aware of that. And I’m blessed to say that napag-iisipan nila ‘yung character, ‘yung mga ginagawa ko. So, that’s why I got back to doing soaps because I love to act. I love my craft. And hindi ko iniisip ‘yung susunod na darating sa akin. But of late, it’s been good, all the roles that I’ve been getting for the last few years. Very challenging but also really fulfilling. So, I only choose projects that I know will matter not just to me but also to the viewers, to the audience. And you know, you shy away from those that, parang sayang naman ‘yung oras.”

Anong plans mo for 2025?

“I’m releasing an album after several years of working on an all-original album. And then I have a Valentine’s show and then another project. Hopefully, makagawa po ng few more movies and another show. And then I have a US tour again. Ang dami, dire-diretso lang eh.”

So walang pahinga? “Bakasyon naman ako ng January. I’ll be out for three weeks. I’m going back to LA for my birthday. And then back here in February, back to work right away. And I enjoy working eh. And then now that I have the chance to do diverse roles, mas lalo akong nagkaroon ng fire, mas lalo akong naging excited because hindi ko lang nalalaro but I also get to challenge myself to really do better, get better.”

Samantala, sa huling dalawang linggo ng Pamilya Sagrado, hahantong sa bingit ng kamatayan ang planong pagsagip ni Rafael (Piolo) sa magkaribal niyang mga anak dahil sasabog na ang galit ni Moises (Kyle) at mag-isang susugurin si Justin (Grae) sa kasal nito kay Felicia (Alyanna Angeles).

Magtutuos na rin ang mga Sagrado laban sa kanilang mga kaaway kung saan maaaring may magbuwis ng buhay. Sasagarin na kasi ni Jaime (Tirso Cruz III) ang kanyang galit dahil malalaman niyang patuloy siyang ipinagtataksil ng fiancée niyang si Divine (Aiko Melendez) para mabigyan ng hustisya sila Rafael.

Huwag palampasin ang pasabog na pagtatapos ng Pamilya Sagrado sa Nobyembre 15 ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng Pamilya Sagrado.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

KC CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with