^

Pang Movies

Jericho, susugal sa pelikulang may aswang!

Salve V. Asis - Pang-masa
Jericho, susugal sa pelikulang may aswang!
Janine at Jericho

MANILA, Philippines — Bahagi ng ikalawang taon ng QCinema Project Market (QPM) na nakatakdang idaos mula Nov. 14 hanggang 16 si Jericho Rosales.

Pero hindi bilang isang aktor. Ang Lavender Fields actor ang producer ng pelikulang Lihim na Luha (Secret Cries) kasama ang co-producer na si Darlene Malimas ng DCM Autodidact Films.

Iikot ang kwento ng Lihim ng Luha sa isang amang adik na mapipilitang patayin ang asawang aswang para isalba ang buhay ng sanggol na anak.

Ito ay mula sa direksyon ni Eileen Cabiling.

May partisipasyon din si Rep. Arjo Atayde at ang Nathan Studios sa QPM. Isa siya sa mga bida ng crime thriller film na Moonglow, na isa sa featured projects mula sa QPM 2023 edition, na joint production ng Pilipinas, Amerika at Singapore. Produced ni Alemberg Ang katulong sina Carlo Velayo, Si En Tan at Darlene Malimas, ang Moonglow, na nasa post-production stage pa, ay mula sa direksyon ng award-winning US-based Pinoy filmmaker na si Isabel Sandoval.

Samantala, ang Nathan Studios ng pamilya nina Rep. Arjo at Sylvia Sanchez ay kabilang sa mga QPM partner na magbibigay ng grants ngayong taon. Tinawag na Nathan Studios Development Grant, isa sa mga papasang proyekto ang makatatanggap ng P250,000 grant mula sa nasabing production company.

Sa katatapos na media­con na dinaluhan ni Liza Diño, executive director ng Quezon City Film Commission (QCFC) at QCPM managing director, sinabi nito na ganu’n pa rin ang goal ng naturang event sa ikalawa nitong taon – nagsisilbi itong isang platform ng industriya na nag-uugnay sa mga gumagawa ng pelikula sa Southeast Asia sa pagpopondo sa mga kasosyo, producer, at international collaborator.

Ayon kay Liza, “The QCinema Project Market is committed to continuing to bridge collaborations with the Philippines and Southeast Asia, offering a space for co-productions that elevate our region’s stories to the world. There’s a growing number of investors in the Philippines recognizing the potential of films for the international market, and QPM aims to capitalize on this exciting opportunity. By connec­ting filmmakers with these investors and partners from Southeast Asia, we are driving the region’s rise as a key player in global cinema and ensuring that our stories are given the platform they deserve.”

Todo naman ang pasasalamat niya kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagbigay sa kanya ng pagkakataon ituloy ang kanyang mga misyong palakasin pa ang pelikulang Tagalog sa ibang bansa sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga international filmmaker.

Ang QPM awards ay may sampung kategorya na magbibigay ng financial support at essential post-production services sa mga mapipiling proyekto.

Marami pang grants at ibang premyo ang naghihintay sa masuswerteng entries.

Ang mga magwawagi ay ia-announce sa Nov. 16.

Pitong Southeast Asian movies ang kasama sa QPM 2024. Ito’y ang The Beer Girl in Yangon (Myanmar, Indonesia), Picturehouse (Vietnam), Future Laobans (Myanmar), To Leave, To Stay (Cambodia), Other People’s Dreams (Singapore), The Passport (Malaysia) at I’ll Smile in September (Singapore, India).

Labintatlo naman ang mula sa Pinoy filmmakers: Anak Alon (Daughters of the Sea), Molder, My Neighbor the Gangster, Bato Bato Sa Langit Ang Tamaan Magagalit (Heaven Help Us), Baradero (A Ship of Fools) Golden, Lihim Na Luha (Secret Cries), Inahing Baka (Mother Maybe) Please Bear With Me Angel de Dios, Hum, Ewa (Eve) at The Returning.

Kasabay ng QPM 2 ang pagdaraos ng Asian Next Wave Film Forum at Creative Industries Day, na magbibigay ng oportunidad sa filmmakers, directors, producers at industry leaders para sa kolaborasyon, learning at networking.

JERICHO ROSALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with