^

Pang Movies

Jhong, ayaw na sa pulitika

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Pinasasalamatan ng 48-year-old dancer-actor, TV host and politician na si Jhong Hilario ang kanilang mentor-manager, ang veteran and award-winning filmmaker na si Direk Chito Roño dahil ito umano ang nag-mold sa kanya at sa ibang naging miyembro ng all-male dance group na Streetboys nung dekada ‘90 kung anuman ang kanilang narating ngayon. Ayon sa kanya, professional at mahigpit umano si Direk Chito sa kanila pero bitbit nila hanggang ngayon ang lahat ng kanilang natutunan sa kanilang mentor-manager.

Ayon kay Jhong, wala umano silang kontrata kay Direk Chito magmula nang buuin nito ang Streetboys nung 1993 at tiwala at respeto umano ang tangan nila since they were in their teens hanggang ngayon.

 Naging isa sa pinaka-popular all-male dance group ang Streetboys noon hanggang isa-isa sa kanila ay pumasok sa iba’t ibang field. Sa grupo, si Jhong lamang ang nag-iisang pumasok sa larangan ng pulitika. He is currently serving his final term (pang-siyam na taon) bilang konsehal ng unang distrito ng Makati na kanyang sinalo sa kanyang ama.

Pero ngayong eleksyon ay pahinga na siya sa pulitika.

Muling babalik ang ama sa pagiging konsehal ng Makati?

Jose Mari, hindi pa rin feel ang mga meme

Kapag dumarating ang ‘ber’ months, usong-uso ang music icon, singer-songwriter, hitmaker at businessman na si Jose Mari Chan hindi lamang sa pagiging in-demand singer-performer sa corporate shows kundi maging sa shows and concerts hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Mabili rin siya sa TV commercials na may kinalaman sa Christmas holidays.

Ang kanyang awiting Christmas in Our Hearts na kanyang kinompose and a duet with her daughter na si Liza (when she was still in her teens) ay nanatiling biggest selling Filipino Christmas carol of all time.

Naging simbolo na rin si Jose Mari sa memes kapag dumarating ang Kapaskuhan. Pero kanyang kinontra ang taguri sa kanya na `King of Filipino Christmas Carols’ dahil meron pa umanong mas nauna pa sa kanya. Huwag din umanong kakalimutan na ang tunay na simbolo ng Pasko ay si Baby Jesus at hindi siya.

Taong 1990 when his record label asked him to come up with a Christmas album at binigyan lamang umano siya ng tatlong buwan to complete. 

JHONG HILARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with