^

Pang Movies

Maita, anim na anak ang naiwan kay ER

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maita, anim na anak ang naiwan kay ER
Maita Sanchez

NAGING tahimik lamang ang mag-asawang ER Ejercito at Girlie Javier-Ejercito (na mas kilala in showbiz as Maita Sanchez) na may pinagdaraanan na pala ang huli hanggang sa hindi inaasahang pagpanaw nito nitong lang madaling araw ng November 3, Linggo.

Si Girlie or Maita na nanilbihang mayor ng Pagsanjan, Laguna sa loob ng tatlong termino or 9 years at bilang vice mayor ng nasabing lugar ay pumanaw sa sakit na endometrial (uterine) cancer last November 3 ng 12:01 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City sa edad na 55.

Iniwan niya ang kanyang mister, ang actor at dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito at anim nilang mga anak na sina Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego, at Gabriela.

Kasalukuyang nakaburol ang  mga labi ni Maita  sa The Don Porong Ejercito 1912 ancestral mansion sa Pagsanjan, Laguna kung saan ding nanilbihang mayor noon ang mister ni Maita na si ER Ejercito bago ito naging gobernador ng Laguna.

Nung aktibo pa sa showbiz si Maita ay marami itong nagawang pelikula tulad ng Sa Dulo ng Baril,   Ka Leon Oliver: Ex Rebel, Hindi Kita Iiwang Buhay, Katabi Ko’y Mamaw Epifanio ang Bilas Ko: NB-Eye, Hagedorn, Bayad Puri, Tekkie, Pagbabalik ng Probinsyano, Ang Dalubhasa, Batas ng Lansangan, El Presidente, Asintado, at marami pang iba.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Streetboys, itinuring na mga totoong anak ni Direk Chito

Umuwi ng Pilipinas ang ibang miyembro ng male `90s dance icon na StreetBoys para lamang sa kanilang kauna-unahang reunion dance concert na magaganap ngayong Biyernes, November 8, 2024, 8 p.m. sa New Frontier Theater sa may Araneta Center in Quezon City.

Although walo lamang ang original members ng grupo, napalitan ang ibang nawala sa grupo kaya umabot lahat sa 14 members ang  naging bahagi ng iconic dance group nung dekada nobenta.  Hindi lamang namin alam kung makakasama rin ang ibang members tulad nina Jhonel Tan, Richard Semira, Jayvee Amurao, at Winferd Chua pero ang sigurado ay sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Danilo Barrios, Maynard Arecellano, Nicko Manalo, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Danilo Barrios, at Sherwin Roux.

Ang StreetBoys ay binuo ng veteran and award-winning director na si Chito Roño nung 1993 matapos itong mag-set ng audition sa mga teen boys na mahilig sumayaw na ginanap  Equinox Disco in Makati City.  Out of so many aspirants, walo lamang sa mga ito ang pinili ni Direk Chito sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Sumailalim ang grupo sa rigid trainings bago sila inilabas sa telebisyon.

Although hindi pa uso noon ang stylist sa mga dance groups, hindi sila lumabas hangga’t hindi sila handa including their wardrobes pati ang grooming ng grupo na lahat teenagers pa noon.

Bukod sa pagsayaw ng hip-hop, requirement ni Direk Chito na lahat ng members ay marunong mag-tumbling.

Kasikatan noon ng OctoManoeuvres ng OctoArts at Universal Motion Dancers (UMD) ng Universal Records na naging idolo ng mga members ng StreetBoys.

Ayon kina Vhong at Jhong, may members umano silang hindi nakatagal sa training at umalis sa grupo kaya sila napalitan ng iba.  Hindi rin daw naging madali sa kanila ang lahat dahil nag-aaral pa sila noon ng high school with Danilo Barrios as the youngest at 14.  Most of the members were 16 or 17.  Since lahat sila minors, kinausap lahat ni Direk Chito ang parents ng mga bata na siya ang tatayong tatay-tatayan ng mga ito at pumayag naman sila.

“Boss  Chito was strict but very professional,” pahayag ng mga miyembro ng StreetBoys.“Pero from the very start ay hindi nawala ang tiwala at respeto namin sa kanya hanggang ngayon,” pag-amin nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, two of the most popular members of the group na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanilang respective showbiz careers.

“More than 30 years na kami sa kanya,” dugtong pa ng dalawa

“Pati good manners and right conduct ay itinuro rin sa amin maging ang paggamit ng mga kubiertos sa mga mamahaling restaurant,” natatawa pa nilang kuwento.

“He treated us like his own children at pamilya kami,” dagdag naman ni Spencer Reyes na umuwi ng Pilipinas from Scotland kung saan siya ngayon naka-base with his family for the reunion dance concert.

“Ang maganda, wala sa amin napariwara,” patuloy ni Maynard Arcellano na tumayong lider ng grupo.

Ito ang first time na magkakaroon ng isang reunion dance concert ang isang sikat na all-male dance group.  Ang iba sa kanila ay nanggaling pa ng Canada at Dubai habang ang ibang miyembro ay may kani-kanya nang buhay at sariling pamilya sa Pilipinas.  Pero ang maganda sa grupo ay hindi kailanman nawala ang kanilang passion sa pagsayaw.

Tinatanaw din nilang malaking utang na loob ang kanilang pagiging miyembro ng StreetBoys sa kanyang mentor-manager na si Direk Chito Roño dahil kung hindi umano sa kanyang pagdisiplina sa kanila ay baka wala umano silang narating.

MAITA SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with