^

Pang Movies

John Wayne kabado, hinahanap ang ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John Wayne kabado, hinahanap ang ama!
John Wayne Sace
STAR/File

Ang magkaroon ng pamilya ang nais ng aktor na si John Wayne Sace, na naaresto matapos umanong makapatay sa pamamaril sa Pasig City.

Naging bukas noon si Sace sa pinagdaanan sa buhay, maging ang paggamit niya ng iligal na droga at pangarap niya na magkaroon ng maayos na pamilya.

“Magkaroon ng maayos na pamilya. Siyempre gusto ko rin magkaroon ng asawa ‘yung makakasama ko sa buhay, kapareha ko sa buhay – ‘yung alam ko na mahal talaga ako,” ayon sa dating child actor.

Ibinahagi rin niya na ang sa tingin niya ay dahilan kung bakit siya napunta sa paggamit ng iligal na droga.

“Paano ba? Sira ako sa love. Doon ako sira, feeling ko. Kung sa pagmamahal naman ng isang tatay, ‘di naman nagkulang ang lolo ko, baka kami pa ang may pagkukulang.

“Pero si Lolo ginawa naman niya lahat. Pero siyempre habang tumatanda ako gusto ko rin makilala ang tunay kong erpat (tatay). Ayaw niyang sabihin, ayaw niyang sabihin kung sino, ayaw niyang pag-usapan.”

Nang matanong kung ano ang sa tingin niya ay magiging karma niya sa buhay, sagot ni Sace: “Ewan ko kung naging mabuting tao ba ako. Baka mamaya naging mabuti ako sa iba, sa iba hindi. Pero I’m always ready.”

Pag-amin din niya, kahit handa pa siya sa anuman na maaaring mangyari ay nanatiling may takot siyang nararamdaman.

“Oo, kinakabahan din ako. Kaya lang bihira na lang akong magulat. Gusto ko nga maibalik ‘yung ganoon, kasi hindi normal ‘yung ganoon… Doon ako naiinis sa sarili ko, hindi ako naniniwala na ubos na ‘yung takot ko, dahil takot ako sa multo, hindi ba?

“Ako feeling ko rin talaga may mga araw na I’m almost dead. Konting-konti na lang. Mayroon ding araw na ‘O itong taong ito alam ko mayroon itong balak sa akin na masama.’ So sabi ko ‘Sige, bahala ka.’”

Nakulong siya noon dahil sa iligal na gamot na naglagay sa kanya sa watchlist ng pulisya.

Napanood siya noon sa iba’t ibang palabas ng ABS-CBN kabilang na ang Wansapanataym, May Bukas Pa, Guns and Roses, at Forevermore.

Kinilala rin ang husay nito sa Metro Manila Film Festival noong 2002 sa pelikulang Dekada ‘70. Naging parte rin siya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Barbie, natutong bumitaw!

Sa tumitindi na mga eksena sa Pulang Araw, nakasanayan na raw ito ni Barbie Forteza.

“Noong una, aaminin ko, katulad ni Alden (Richards), medyo may adjustment na nagaganap kasi mabigat nga ‘yung materyal namin eh. Pero ngayon, medyo nasasanay-sanay na kami,” pahayag ng aktres.

Natutunan na raw niya kasing bumitaw sa kanyang karakter sa pagitan ng mga eksena nito.

“I try my best to get out of the character the moment the director says ‘cut.’ Pero while I’m in the scene, while we’re doing the scene, grabe ‘yung epekto sa ‘kin ng bawat eksena,” lahad ni Barbie.

Masaya rin daw siya sa suporta ni David Licauco na madalas niyang makaeksena.

“Iba rin ‘yung binibigay niya sa akin. Talagang full of love and very delicate talaga ‘yung pag-approach namin sa eksena,” bahagi niya.

JOHN WAYNE SACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with