TNT hitik na sa PBA crown — Castro
MANILA, Philippines — Sa nakaraang PBA Season 48 ay walang koronang napanalunan ang TNT Tropang Giga.
Ngayong Season 49 Governors’ Cup ay posibleng matapos ang pagkauhaw sa titulo ng Tropang Giga, ayon kay veteran guard Jayson Castro.
“Noong past year, ang daming injuries and at the same time parang hindi balanced ‘yung team,” wika ng 38-anyos na playmaker sa TNT.
“Ngayon, kahit sinong ipasok, ang mentality namin is to defend. Hindi nga to score, eh; basta dumepensa kami, ‘yung score naman darating ‘yan.”
Kinuha ng Tropang Giga ang 2-0 lead sa kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra Gin Kings mula sa mga panalo sa Games One, 104-88, at Game Two, 96-84.
Bukod sa pagbabalik ni PBA Best Import Rondae Hollis-Jefferson ay nakabuti rin ang paghugot ng TNT kay Rey Nambatac mula sa Blackwater via trade sa pre-season.
“Ang thinking namin is one game at a time. Iyon lang talaga. Every game kung ano ‘yung mabibigay namin, ibibigay namin ‘yung best namin,” sabi ng eight-time PBA champion guard na si Castro.
Maganda rin ang na-ging three-point shooting ng Tropang Giga sa Games One at Two kumpara sa inaalat na Gin Kings.
Ayon kay TNT coach Chot Reyes, kailangan nilang maipasok ang mga triples na ibinibigay na pagkakataon ng Ginebra ni mentor Tim Cone.
“In the end when the situation calls for it, everyone is ready to pull the trigger, everyone. And everyone on our team knows, if they’re open, if they’re balanced, they can let it fly,” ani Reyes.
Nakatakda ang Game 4 bukas sa Smart Araneta Coliseum kung saan igagawad ang Best Player of the Conference at Best Import awards bago ang bakbakan ng Tropang Giga at Gin Kings.
- Latest