^

Pang Movies

Rita Daniela, inireklamo ng pangmamanyak si Archie Alemania

Gorgy Rula - Pang-masa
Rita Daniela, inireklamo ng pangmamanyak si Archie Alemania
Rita

Nangyari pagkatapos ng party ni Bea...

MANILA, Philippines — Pagkatapos na umakyat sa korte ang kasong Rape Through Sexaul Assault at Acts of Lasciviousness na isinampa sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz kay Sandro Muhlach, sumabay naman si Rita Daniela sa pagsampa ng reklamong Acts of Lasciviousness laban kay Archie Alemania.

Nakatanggap kami ng kopya ng affidavit na sinumpaan ni Rita Daniela sa Bacoor City Prosecutor’s Office.

Detalyado niyang sinalaysay ang ginawa umano sa kanya ng komedyante nang dumalo sila sa thanksgi­ving party na ini-host ni Bea Alonzo na ginanap sa tahanan nito sa Quezon City noong Sept. 8.

Ayon sa affidavit na sinumpaan ni Rita, pasado hatinggabi na raw nakarating si Rita dahil nanggaling pa siya sa taping ng All-Out Sundays.

Pagdating niya roon ay halatang lasing na raw si Archie na nagkokomento sa kanya na ikina-offend niya.

Sinita na raw ito ni Bea nang nag-comment itong “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina, Royce, tirahin mo na ‘yan!”

Hanggang sa nang nag-decide na siyang umuwi, kumuha na raw ito ng Grab ride pauwi ng Bacoor. Pero nag-alok na raw si Archie na siya na ang mag­

hatid.

Sabi nito sa kanyang affidavit, “Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.’

“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying; “Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. I-cancel mo na ‘yan!

“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”

Pero nang nasa sasakyan na raw sila, at habang binabaybay raw nila ang Cavitex nagsimula na raw itong hawakan siya sa leeg at balikat na iniiwasan niya.

At nung nasa bahay na raw sila, bago siya bumaba ay humingi raw ng kiss sa kanya si Archie.

Pero pinilit daw siyang halikan na ang nakasaad sa affidavit nito, “However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.

“Feeling sexually violated, I pushed the Respon­dent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”

Bumulong pa raw si Archie sa kanya ng “Pa-booking naman sige na.”

Hindi pa raw umalis si Archie sa tapat ng bahay niya, kaya nag-text na raw siya sa aktor na umalis na siya dahil nakakaabala na raw ito sa kapitbahay, gawa ng nagtatahol na ang mga aso.

Kinabukasan ng hapon ay nag-text daw si Archie sa kanya na nag-sorry sa kanya dahil lasing lang ito.

Ini-report daw ito ni Rita sa GMA management at ni-request na tanggalin na siya sa Widows’ War dahil sa trauma na inabot nito sa ginawa umano sa kanya ng aktor.

Hiningan namin ng sagot si Archie, pero hindi ito sumagot sa ipinadala naming text message.

Pati ang taga-Widows’ War at taga-Sparkle na nagma-manage kina Rita at Archie ay hindi pa rin naglabas ng statement kaugnay sa isyung ito.

RITA DANIELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with