^

Pang Movies

Atom, inamin na si Zen!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tanong ng fans, ang ABS-CBN broadcast journalist daw ba na si Zen Hernandez ang tinukoy ni Atom Araullo na “special someone” sa interview sa kanya ni Karmina Constantino sa online show nito sa YouTube na KC After Hours? Masyadong pribado ang love life ni Atom at ang sa kanila ni Zen ay matagal nang pinag-uusapan, pero walang makapagkumpirma.

Sa interview nga ni Karmina, wala ring binanggit na pangalan si Atom at hindi nagbigay ng clue. Basta may special someone na siya at matagal na siguro ang kanilang relasyon.

“Well, I like that she has her own dreams. She has her own life. She has her own career, and priorities. The best way I feel like, the reason why we work is because we support each other, and we let each other grow,” sagot ni Atom.

May nabanggit si Atom tungkol sa tsismis na may kinalaman sa kanilang relasyon ng kanyang special someone. “Kasi it can be difficult eh. The time, the stress, and kahit ‘yung tsismis, eh. Nagkakaintindihan kami sa tsismis. Alam niya exactly what I’m talking about, and vice versa.”

Sa sinabi niyang ito, mas marami ang gustong malaman kung si Zen nga ang special someone niya. 

Mga kuwento ni April Boy, na-expose

Para sa fans ni April Boy Regino ang pelikulang Idol: The April Boy Regino Story ay siguradong maaantig sila sa pinagdaanan ng buhay ng paborito nilang singer-composer. Malalaman nilang mahirap ang naging buhay nito at ng kanyang pamilya.

Malalaman din nila kung bakit nagkahiwalay si April at ang kanyang mga kapatid na kasama niya sa April Boys. Nag-away-away pala ang tatlo, minura ng kanyang mga kapatid si April Boy hanggang umalis ito sa grupo.

Kasama rin sa pelikula ang mga dumapong sakit sa kanya, mula sa chronic kidney disease, nagkaroon ng heart problem at nabulag dahil sa diabetes. Bago pumanaw, nakaaninag pala si April Boy at bumalik ang pananampalataya sa Diyos.

Ang baguhang aktor na si John Arcenas ang gumanap sa role ni April Boy. Singer-actor siya kaya real voice ang ginamit sa pagkanta sa songs ni April Boy sa movie.

Sa direction ni Efren Reyes, Jr., showing ang Idol: The April Boy Regino Story at showing sa Nov. 27, two days before April Boy’s death anniversary on Nov. 29. He died noong 2020, when he was 59 years old.

 

ATOM ARAULLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with