Award-winning actress, may mga pakawala para sa pinag-iinteresang series
Palihim palang gumalaw ang isang sikat at award-winning actress kapag may nabalitaan siyang bagong series na gagawin ang network na kinabibilangan niya.
Nabibigyan naman ng series ang aktres. In fact, may ongoing series pa nga siya, huh!
Kamakailan, nabalitaan ng aktres na may gagawing series for 2025 ang kanyang network. Remake ito ng isang pelikula na naging TV series. Sikat at premyadong aktres ang unang bumida rito nang isalin sa movie.
So nang malaman ito ng aktres, inutusan niya ang kanyang fans na mag-ingay sa social media at name niya ang ipagsigawan na bagay lumabas sa remake nito!
So ‘pag mababasa ninyo sa social media, ang shoutout ng fans ng aktres sa socmed ang isyu na ‘yan, alam na natin kung kanino nanggaling, huh!
Movie ni Enrique, gumamit ng ibang technique
Kinabog ang festival entry na Strange Frequencies ang ibang festival entries, huh!
Winner na winner ito dahil matapos ilabas ang first clip ng movie, nag-landing ito sa radar ng Hollywood media outlet na Variety!
Ang mga bida sa pelikula ay sina Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro at Rob Gomez, MJ Lastimosa, real life tarot reader Raf Pineda at content creator Ryan “Zarckaroo” Azurin.
Mula sa Korean hit na Gonjiam: Haunted Asylum ang festival entry na dinala sa Reality MM Studios ng Creative Leaders Group 8 CEO BJ Song ng Taxi Driver, Boys Over Flowers at Princess Hours.
Grupo ng amateur ghost hunters na pumunta sa notorious Xinglin Hospital sa West Central District sa Taiwan na si Enrique ang leader.
Ito ang pinakaunang meta found footage horror film sa bansa kaya looking forward ang audience at critics sa reimagined style of filming technique!
- Latest