^

Pang Movies

Kris ipinakita kung gaano na lang kaliit ang legs, kailangan ng physical therapy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris ipinakita kung gaano na lang kaliit ang legs, kailangan ng physical therapy!
Kris Aquino

Nag-uumpisa na palang maglakad-lakad si Kris Aquino base sa post ng kanyang most trusted friend, former editor ng isang tabloid din, si Dindo Balares.

Maayos na rin ang awra niya at andun sa kanyang mga mata ang deteminasyon na lumakas at gumaling.

Pero aniya sa message nito kay Bro. Dindo “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”

Bagama’t ayon sa dating kapwa-editor na “Maraming pagkakataon na iniiyak na lang ni Kris ang sobrang sakit na nararanasan. Pero sabi niya ilang oras bago sumailalim sa bagong procedure sa Makati Medical Center kahapon, #TuloyAngLaban.”

Nais din daw nitong sumali sa relief operations para sa mga winasak ng Super Typhoon Kristine bago pa ito pumasok sa Makati Med para sa nasabing procedure na walang nabanggit kung ano ‘yun.

Nagbigay last week ng bagong health update ang host-actress mula nang bumalik sa Pilipinas noong nakaraang buwan mula sa United States pagkatapos ng mahigit dalawang taon.

Sinimulan ng “Queen of All Media” ang kanyang mahabang mensahe sa Instagram sa pamamagitan ng pagpapahayag ng paghanga sa mga pinagtagpo niya sa ospital sa Taguig, na tumutukoy sa isang “outdoor wedding” na diumano’y pinaplano niya.

Ibinahagi ni Kris na mayroon siyang computed tomography (CT) scan ng kanyang chest at isang positron emission tomography (PET) scan, na binanggit na ang huli ay ginawa upang maalis ang posibilidad ng cancer.

Pinaalalahanan ng host-actress ang lahat na nakikipaglaban pa rin siya sa lima sa anim na kondisyon ng autoimmune, na may tatlo sa mga na-diagnose na itinuturing na nagbabanta sa buhay dahil maaari itong makapinsala sa artery na nagkokonekta sa kanyang puso at sa kanyang lungs, bukod pa sa pagiging allergic sa lahat ng steroid.

Pero aniya, tuloy ang kanyang laban at walang planong sumuko.

KC, nagparamdam na sa nanay

MALAMANG natuldukan na ang sinasabing hindi pagkakaunawaan ng mag-inang Sharon Cuneta and KC Concepcion.

Nag-iwan ng emoji si KC sa post ng mommy Sharon niya na “Rehearsals at Saban today!” na ang meaning ay “beauty, positivity, and preciousness.”

Na ikinatuwa talaga ng mga followers ni Ate Shawie.

Naniniwala silang life is short kaya dapat naman talagang maging masaya na ang relasyon nilang mag-ina, ganundin sina Sharon and Gabby Concepcion.

Kasalukuyan ngang nasa concert tour sina Gabby and Sharon - Dear Heart US - Canada Tour 2024 until end of November.

Matagal nang napapansin ng social media users ang dedmahan ng mag-ina pero ito finally, meron na silang interaction kumbaga.

Samantala, andaming na-impressed kay Mega nang kumalat sa social media ang post ng daughter ng kilalang OB Gyne sa bansa na nakasabay niya sa flight papunta ng Amerika.

Hindi raw kaagad nakilala ng sikat na doktora si Mega pero grabe raw bait nito at pinu-puri ng doktora.

Kaya naman nag-react na rin si Ate Shawie. Umpisa ng post niya : “ MegaTeammate Angel saw this online and sent it to me! Am reposting it because it had already been posted.- I met this very sweet lady, Dr. Luna, on my PAL flight to LAX. We were seatmates. And it was a pleasure flying beside her! Yes, from the time I sat down, I said “Ma’am, if I may help you with anything po, please just let me know.” It is the way my parents raised me. I am very mindful and respectful of ANYONE I come across, especially if they are older than I. More than the fear that Mom & Dad might rise up from their crypts and bonk me on the head if I didn’t show respect, demonstrating what your folks taught you all your life honors them always. We then introduced ourselves, and whenever, wherever I do, I just say “Sharon.”

Sabagay, sabi nga nila, mga old rich ang totoong mababait. Walang attitude at walang yabang sa katawan like Sharon.

Unlike now nga naman, grabe mag-attitude ang mga nagsasabing sila ay influencer at content creator.

Or ‘yung mga bagong yaman. Grabeng makaarte at akala mo kung mga sino na ‘di ba.

Sofia, naging Heart ang kapalaran sa stylist?

Isa pa rin daw feeling entitled sa ngayon ay ibang stylist.

Kasalukuyang may mga pino-post si Sofia Andres na issue ng kanyang stylist na matagal niyang naka-trabaho.

Obvious na panget ang kanilang paghihiwalay at kung tama ang basa ng marami, parang Heart Evangelista ang kapalaran niya sa dating stylist.

Nauna nang nag-post ng si Sofia ng “This will be last that I will be talking about this. It’s really painful for me because I have treated my friends as family. My friends will know that… I will really fight for them to death no matter how it will affect me.

“Yung mga taong tinulungan mo from the very start….

“Mga taong akala mo nagmamahal sayo ng totoo. Itinuring mong kapat?d, kaibigan. Iba’t ibang klase ng suporta nagawa mo na..

“It is also important to trust the vibe & not by blood.

“It will never be enough to people who are not genuinely happy for you. Ibat’ Iba ang mga tao talaga… Life is not always fair but it’s still beautiful.

“God is still on my side & thank you Lord for the never ending support, the unconditional love, for protecting me & the blessings coming my way.”

Pero ayon sa mismong followers ni Sofia, nakakuha diumano ng simpatya ang nasabing stylist kay Barbie Imperial.

BFF naman ni Sofia si Sarah Labahti.

Awss. Kaya kanya-kanya ng analysis ngayon ng kanilang followers.

‘BBGIRL’ Anthony nilabas na!

Ibang talento naman ang ipinamalas ni Anthony Jennings matapos niya ilunsad ang kanyang debut single na BBGIRL.

Ibinida ni Anthony sa OPM pop track ang kwento ng unrequited love. Tampok sa lyrics nito ang pag-aasam na maipaalam ang totoong damdamin sa taong minamahal.

Isinulat ang BBGIRL ni Bryant Dagdag at iprinodyus naman ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Bago naging recording artist, nakilala si Anthony sa kanyang papel sa mga pelikula tulad ng  Hello, Love, Goodbye at Love at First Stream. Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang ABS-CBN series kagaya ng The House Arrest Of Us, Tara, G! The Iron Heart, at Can’t Buy Me Love.

Makakasama rin ang Kapamilya star sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na And The Breadwinner Is… at sa upcoming series na Incognito.

Available ang debut single ni Anthony na BBGIRL sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Sa totoo lang, bongga ang career ni Anthony ngayon.

Nag-umpisang lumakas ang tambalan nila ni Maris Racal sa Can’t Buy Me Love.

‘Di kaya si Maris and kanyang BBGirl sa kanyang debut single?

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with