^

Pang Movies

Marco, mahirap ang laban

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marco, mahirap ang laban
Marco Gumabao

Nakita namin ang video ni Marco Gumabao, habang siya ay stranded sa highway dahil wala nang madaanan ang kanyang sasakyan patungong Bicol.

Dalawang araw daw siyang stranded sa nasabing lugar, sa kasagsagan  ng bagyong Kristine. May dala diumano siyang relief goods para sa mga binagyo.

Sa halip na nagpapahinga at panatag ang loob sa bahay, ayun at stranded siya sa highway. Kumandidato pa kasi siya.

Napili niyang tumakbo sa Camarines Sur dahil doon nagmula ang kanilang pamilya. Ang mga  ninuno nila ay doon din daw talaga nagsimula.

Bagama’t sila ay isinilang na nga sa Quezon City, dahil naging artista at basketball player noong araw ang kanilang ama bago naging konsehal din at congressman sa lungsod.

Pero kung iisipin mo, ang Bicol ay hindi botante ng mga artista. Natalo diyan ang isa nating National Artist at best actress in five continents na si Nora Aunor.

Maging si Aga Muhlach na kumandidato rin sa Bicol, hindi sinuwerte.

May mga sinuwerte naman sa Bicol gaya ni Imelda Papin na naging vice governor sa kanilang bayan, pero marahil hindi iyon dahil si Imelda Papin siya kundi dahil ang tatay niya ay matagal ding nanungkulan bilang konsehal sa kanilang bayan at isinulong din siya ng mga Marcos loyalist.

Sa Bicol, para ngang mas fair ang laban ni Marco dahil kung sa Metro Manila ay baka gamitin pang issue sa kanya ang naging kaso ng tatay niya.

‘Yan ay kung kakayanin niya ang kalaban niya.

Lumang intriga kina Angel at Maxene, binubuhay

Hindi na maganda ang ikinakalat nilang balita tungkol kay Angel Locsin na nananahimik sa kanyang buhay. May gumagawa pa ng intriga sa pagitan nila ni Maxene Magalona.

Unfair iyon dahil pareho silang sinisiraan.

Ipinipilit nilang on the rocks na daw ang pagsasama nina Angel at ng kanyang asawang si Neil Arce at idinamay pa nila si Maxene sa tsismis.

Pero ‘di ba parang lumang-luma na ang ganitong anggulo na gustong buhayin ng ibang content creator para mapansin naman ang kanilang mga istorya?

Female star, hindi naligayahan sa pinalit sa bf

 Natatawa kami sa kuwento ng isang female star sa isang kaibigan niyang artistang babae rin.

Inamin daw noon sa kanya na talagang bata pa siya ay crush na crush na niya ang isang aktor, pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon, dahil kahit na nagkasama sila, iba ang niligawan noon. Nung nakasilip daw iyon ng pagkakataon talagang inakit niya ang aktor na am­bisyon niyang makasama kahit na nga one night stand lang. Nangyari naman daw.

Aywan kung dahil lasing lang ang aktor o sadyang “may pagkukulang” siya kaya hindi nag-enjoy si female star sa kanilang naging one night stand.

Inaamin niya na wala iyon sa kalahati ng boyfriend niyang poging basketball star.

Pero dahil nalaman ng kanyang boyfriend ang ginawa niya, gumanti rin  iyon at humanap ng iba.

Kaso nahuli sila ni female star, at inabot niya ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae na pinaliligaya sa kamang siya mismo ang bumili.

 Nag-eskandalo ang female star na naging dahilan para tuluyan na siyang hiwalayan ng kanyang boyfriend. Nang malaunan, na-realize niya na hindi pala siya magiging maligaya sa iba dahil hinahanap niya ang kakaibang ligaya na ang boyfriend lang niya ang nakapagbibigay sa kanya.

Andyan lang ang mga bida sa blind item na ito. Napapanood pa sila sa mga pelikula at TV.

vuukle comment

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with