^

Pang Movies

Drama actress, namanyak sa dating app

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ready na raw na magkaroon ng lovelife ang drama actress na matagal nang nabakante dahil sa isang traumatic love affair.

Ang problema lang ay hindi niya alam kunsaan siya makakahanap ng matinong lalaki na hindi siya paaasahin o lolokohin.

May nag-suggest na subukan nito ang dating apps at baka suwertehin siya. Pero di raw bet ni drama actress.

“Tatlong beses daw siyang sumubok. Kaso puro manyak ‘yung nagpapakilala!” sey ng source.

May pumorma naman daw na newbie actor kay drama actress. Pero mas makapal pa raw ang make-up nito kesa sa kanya nung mag-date sila.

May isa naman businessman na nanligaw sa kanya. Pero may asawa pala ito at gusto siyang gawing kabit.

Naniniwala si drama actress na wala siyang suwerte sa matinong lalaki. Minsan lang daw nangyari na nakahanap siya ng true love, kaso nahuli niya itong nambababae habang nagbi -video call sila!

Kasal ni Grace Lee, sinugod ng mga kaibigan sa Korea

Kinasal na ang dating radio and TV host na si Grace Lee sa kanyang fiance na si Alex Tiu.

Kinasal sila sa Sarang Church in Seoul, South Korea, on October 25. Kabilang sa mga dumalo sa destination wedding ay sina Rufa Mae Quinto, Mariel Padilla, at ang mag-asawang Julius Babao and Christine Bersola-Babao.

“Congratulations Grace Lee and Alex! Wishing you both all the best! So happy to witness your love and promise to forever!” caption ni Mariel sa Instagram.

Post ni Rufa Mae: “Parang reunion na din nangyari, kasi nakita ko at naka bonding mga kaibigan namin. At nagkaroon pa ng mga bagong kaibigang si Alex and family and friends!In short, ‘Best wishes!’”

Post ni Tintin: “Cheers to more blissful moments together! So happy that on my first trip to Korea, i get to spend time at your wedding, @gracelee_1004 , weddings which i only get to watch in Kdramas!”

South Korean national si Grace na lumaki at nag-aral sa Pilipinas. Ilan sa mga naging shows niya sa GMA ay The Sweet Life, Diz Is It, 24 Oras Weekend, News On Q, Balitanghali, at Cooking with the Stars.

Sa TV 5 ay lumabas siya sa Will Time Bigtime, Wowowillie, Aksyon sa Weekend, at Good Morning Club.

Na-link romantically noon si Grace sa yumaong former Philippine President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Salma Hayek, may ginagawa kasama si Angelina Jolie

Pinatunayan ni Salma Hayek na may asim pa siya sa edad na 58. Panay ang post ng Oscar nominee na naka-bikini siya sa social media.

Nitong nakaraang weekend, pinost ng Mexican actress-producer sa IG ang maalindog na bikini photo niya habang sakay sa kanyang yacht na may caption na “#SundayVibes.”

Kasalukuyang may nilulutong project si Salma kunsaan makakasama niya si Angelina Jolie.

“I wasn’t really supposed to tell you that, but why not? So I’m working on a film that I want to direct, and she’s taking me by the hand.”

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with