Mga film producers na ligwak sa MMFF, naghanap ng ibang playdate!
MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang ilang film producers na hindi napanghinaan ng loob pagkatapos na maligwak ang entry nila sa 50th Metro Manila Film Festival.
Hindi ‘yun ang katapusan ng kanilang film production.
Ang ginawa ng ilan ay kumuha na sila ng ibang playdate para maipalabas na ang kanilang pelikula.
Naniniwala ang BenTria Productions na dapat na mapanood ang pelikula nilang Huwag Mo Akong Iwan na pinagbidahan nina Rhian Ramos, JC de Vera at Tom Rodriguez. Kaya naka-schedule na ang showing nito sa Nov. 27.
Makakasabay nito ang biopic ni April Boy Regino na Idol: The April Boy Regino Story ng Waterplus Productions. Matindi rin ang paghahanda rito ni Marynette Gamboa ng Waterplus, dahil maaga pa lang ay nagpahayag na ng suporta ang mga kaibigan niya at ilang grupo sa Christian community.
May ilang producer naman na inaayos pa nila ang kanilang pelikula. Nagpa-reshoot pa sila ng ilang eksena.
Ang iba ay hinihintay ang announcement ng MMFF Executive Committee kung tuloy ang Summer Metro Manila Film Festival, para isali nila ito.
‘Yung mga nag-submit ng finished film nila para sa MMFF ay hindi na kailangang magbayad uli ng joining fee dahil nakapagbigay na sila para sa MMFF.
Kaya umaasa na lang ang ilang film producers sa Summer MMFF.
Jake, tumigil na sa pagwalwal!
Ang laki ng ipinagbago ni Jake Cuenca pagkatapos ng nangyari sa kanya sa Mandaluyong police tatlong taon na ang nakaraan.
Nagkaroon ng pagkakamali sa insidenteng ‘yun, kaya hindi kinasuhan ang aktor lalo na’t may nadamay pang Grab driver na tinamaan ng stray bullet.
Sabi ni Jake, parang senyales na ang insidenteng ‘yun para tumigil na siya sa pagwalwal.
Hindi naman siya lasing nung oras na ‘yun, pero papunta sana siya kina Paulo Avelino para mag-inuman sila.
Ngayon ay talagang nag-succeed siya na malagpasan itong pag-iinom.
Three years na raw siyang tumigil sa pag-inom.
“Wala na sobra!” bulalas ni Jake nang nakatsikahan namin sa Super Sam nung nakaraang Sabado.
Nagkasama nga sina Jake at Baron Geisler sa isang Netflix original na Delivery Guy. Pinag-usapan daw nila ito kung paano na nila malagpasan at maiwasan ang pag-iinom.
Bukod sa Delivery Guy, tinapos na rin ni Jake ang series para sa Prime Video na What Lies Beneath.
Ito ‘yung unang project na ginawa niya sa ABS-CBN pagkatapos niyang pumirma ng renewal ng tatlong taon.
- Latest