Ginawa ni Mikee Quintos, iniyakan ng jowang si Paul
Antagal na rin pala nina Mikee Quintos at Paul Salas.
Four years na. At si Paul pala ang mas naiyak nang lumabas na ang teaser ng bagong programa ni Mikee na Lutong Bahay.
Aminado si Mikee na dumating sa point na nag-overthinking na siya dahil matagal-tagal na rin siyang walang programa na ang pinakahuli nga ay The Write One noong 2023.
“Alam ninyo ba nung lumabas ‘yung plugging umiyak siya. Umiyak siya as in kasi ayun nga, he knew I felt. Siya ‘yung nag-comfort sa akin nung medyo nag-o-overthink ako dun sa tengga moments ko and alam niya ‘yung pakiramdam and ‘yung meaning sa akin ng Lutong Bahay nung pumasok ito sa life ko,” sabi niya kahapon sa media conference ng naturang cooking show na aniya ay hindi lang basta pagkain angn ipapakita kundi, ang recipe ng totoong buhay na mapapanood Mondays to Fridays, beginning Oct. 28, 5:45 p.m. on GTV.
At nang tumulo na ang luha niya : “Haaah walang mag-iiyakan dito pero kasi I lost my lola nung June and kinwento ko earlier na siya ‘yung laging nagluluto sa bahay, ‘di ba. Tapos nung wake niya parang sa family ko may isa-isa siyang naaayos na mga buhay ng mga kapatid ko, ng mga matatagal nang problema. Tapos lagi ko siyang binubulungan. Sabi ko, ‘Nay ako rin ha. Wala akong specific na hinihingi kay nanay na blessing, na ayusin niya sa life ko pero naramdaman ko nung the morning after na sinabi sa akin ‘yung Lutong Bahay na si nanay, ito, kaya nangyari ito,” tungkol sa pakiramdam niya ay ginawa ng kanyang lola.
“Si mommy kasi. Sobrang na-feel ko na ‘yung guidance ng lola ko na alam niya ‘yung... hindi ko napapansin kasi bago siya mamatay tinatanong niya ako, wala ka bang show, Mikee? Nami-miss na kita sa TV. May ganun siya.
“Tapos right after niya mamatay, pumasok ito. I’m sure kung naabutan niya ito, oh my gosh talaga. Ayun lang, ‘wag na tayong mag-drama-han,” impormasyon ni Mikee.
Pero kung meron man daw favorite na hinahanda niya for Paul, ito ay ang kape.
“Sa totoo lang ‘yun ‘yung lagi niyang nire-request, kape. Iba raw ‘yung kape ‘pag ako nagtitimpla. Pero ang favorite niya talaga tinola, tinolang manok,” tho hindi pa raw talaga niya naipapagluto ang karelasyon nito.
Steak naman ang laging toka niya sa pagluluto sa kanilang pamilya.
Anyway, nag-training si Mikee bago siya sumabak sa Lutong Bahay.
Pero ‘yun nga, the Write One pa ang huling programa niya.
Anyway, makakasama ni Mikee sa programa ang tatlo sa nangungunang food content creator sa kasalukuyan. Magkasama silang bibisita sa mga kusina ng mga celebrity para tumuklas ng mga kwento, at maging ang mga sikreto sa likod ng mga pagkaing nagpatimplahan ng kanilang buhay at humubog sa kanilang mga paglalakbay.
Isa sa mga resident chef at pinakabagong kapitbahay na dapat abangan ay ang Cooking Ina – Chef Hazel Anonuevo na nagpasikat sa kanya sa social media.
Nagdadala ng higit pang mga kuwento at recipe sa hapag-kainan si Chef Ylyt Manaig, isa sa mga pinakabagong talento ng Sparkle GMA Artist Center.
Si Jaime de Guzman, na kilala bilang Kuya Dudut, ay nagdaragdag din ng dagdag na sarap sa hapon ng lahat ng Kapuso viewers. Siya ay miyembro ng kilalang grupo ng mga vlogger na Team Payaman at orihinal na tagaluto ng CongTV at Viy Cortez.
Donny pinasalamatan, mabilis naghatid ng tulong, BINI nagbigay ng P1 million
Muling pumirma sa ABS-CBN ang longtime Kapamilyas na sina Jake Cuenca, Melai Cantiveros-Francisco, Sam Milby, Francine Diaz, Donny Pangilinan, at Joshua Garcia sa ginanap na Forever Kapamilya Network Contract Signing event.
Excited si Donny na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ABS-CBN at maghatid ng mga proyekto na hindi pa nakikita ng mga manonood.
“I’m just so happy that despite everything we’ve never lost hope and we continue to come up with more things that people have not seen before, and I’m just very, very glad to be part of this journey and I can’t wait for what’s to come,” sabi ni Donny na unang naging MYX VJ taong 2016 at ngayon ay naghahanda na para sa kanyang bagong serye na How to Spot a Red Flag kasama si Belle Mariano. Na by the way ay pinasalamatan ng kanyang fans sa personal na pag-deliver ng relief goods sa Angat Buhay!
Habang ang Nation’s girl group BINI naman ay nag-anunsyo na magdo-donate sila mula sa BINIverse concert nila ng P1 million para sa mga apektado ng bagyong Kristine.
Samantala, pinangunahan ang Forever Kapamilya Network Contract Signing event nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, at Star Magic head Laurenti Dyogi.
- Latest