^

Pang Movies

Nora, sa bahay pinadadala ang sino-solicit na relief goods?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Nora, sa bahay pinadadala ang sino-solicit na relief goods?!
Nora

MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang sunud-sunod na campaign ng ilang grupo at mga artist na makalikom ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Kamakalawa pa lang ay talagang kinarir ng film producer na si Erwin Blanco ng Mavx Productions ang pag-ayos ng relief goods para sa mga nabahaan sa Bicol. Marami silang mga pelikulang na-shoot sa Bicol kaya malapit sa kanila ang naturang lalawigan.

Siyempre kapag Bicol, ang original superstar Nora Aunor ang isa sa unang papasok sa isip natin. Kaya nagsimula na ring maglikom ng ipamimigay na relief goods para sa mga kababayan niya.

Marami ang nag-share ng panawagan ni Ate Guy sa mga gustong mag-donate ng relief goods.

Aniya, “Nanawagan po ako sa mga may mabubuting puso. Marami pong kababayan ko sa Bicol ang kailangan ng tulong. Sira na po ang tulay sa Baao at Nabua, lugar po ng Tatay at Nanay po, malapit na rin po yon sa lugar namin sa Iriga. Apektado po ng bagyo at baha ang maraming lugar sa amin.

“Inumpisahan ko po na i-sort out ang mga damit na puwede ko pong dalhin at ipamigay sa mga kababayan po doon. Tinawagan ko na rin po ang ibang kaibigan ko sa Bicol para alamin kung papaano ang pagpapadala ng tulong sa mga kababayan po na sobrang apektado po ng bagyo.

“Nanawagan po ako sa mga fans ko kung puede pong tulungan ako kung ano ang puwedeng ipamigay. Hindi kailangang pera ang ibigay kundi puedeng malinis na tubig, damit, kumot, mga de lata po, bigas at mga kailangan ng mga bata.”

Pero inilagay doon ang address ng bahay ni Nora sa may Quezon City.

Marami lang ang nag-react na bakit kailangan pang ilagay doon ang address ni Ate Guy. At bakit daw sa bahay niya ihahatid ang mga donasyon.

Hindi man lang daw naisip ang security nito dahil sa ipinost pa ang address nito.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with