^

Pang Movies

Matapos i-deny na buntis ang misis...Derek, inilantad na ang dragon baby nila ni Ellen!

Salve V. Asis - Pang-masa
Matapos i-deny na buntis ang misis...Derek, inilantad na ang dragon baby nila ni Ellen!

MANILA, Philippines — Nanganak na si Ellen Adarna.

Finally nga ay nag-post nga si Derek Ramsay na nasa hospital bed at hawak ng misis ang kanilang dragon baby habang andun sa tabi si Elias.

Walang inamin o inilabas sa social media sina Derek at Ellen pero more than a week nga ay sinabi ng isang source na manganganak na si Ellen na lumabas nga rin dito sa PM.

Pero wala raw naganap na gender reveal tulad sa ibang celeb.

At ang ganda raw magbuntis ni Ellen at ang payat, parang hindi namanas, ayon sa isang nakakita sa former sexy star.

“My world keeps getting better and better!  #houseofdragons,” caption ng actor sa bagong anak na misis.

Andami naman agad nag-congatulate sa kanila.,

Nagkaroon muna ng miscarriage si Ellen noong nakaraang taon.

Pero sinabi ni Derek na trinabaho talaga nila ang dragon baby.  “We’re really have three dragons in my house. My nephew, my son is also a dragon. So, the house is very very lucky house of dragons,” sabi niya sa isang dating interview

Mga Bicolanong celebrity hinihintay mag-ayuda... Parokya..., Dominic, Stranded

Grabe ang bagyong Kristine. Nilubog ang Bicol Region, ganundin ang Quezon Province.

Kitang-kita sa mga video ang hitsura ng mga bahay na nilubog ng baha.

Kaya walang biyahe papasok at palabas ng Bicol.

Parang ngayon lang bumaha ng ganun sa Bicol.

At kabilang sa mga nagdarasal ay Barbie Imperial na isang Bicolana.

Inabutan din ng bagyo ang tropa ni Dominic Roque habang nagmo-motor. Aniya sa Instagram story : “Stranded here for two days now.

“If the sea permits. Tawid kami ng allen, diretso ako ng Tacloban para maka-fly ng Manila. Sila diretso ng pa-Surigao to Davao,” banggit ni Dominic habang nasa Magdalena Beach sa Oriental Mindoro. “5:00 pm pa malalaman if makakatawid kami ng dagat.”

May dagdag na siyang story habang sinusulat namin ito na nagmo-motor na sila, pero walang banggit kung nakatawid na sila ng bayan.

Samantala, stranded din ang bandang Parokya ni Edgar sa Bicol.

Kabilang naman sila Heart Evangelista at Gerald Anderson na ginamit kaagad ang platforms para makahingi ng tulong at maipakalat ang mga nagaganap sa Bicol.

Kakandidato sa Bicol si Marco Gumabao kaya tiyak na hindi pa man, asahang magpaparamdam siya sa hinagupit ng bagyo.

Si Nora Aunor na anak ng Bicol at kandidato rin sa Partylist, tiyak na inaasahang magbibigay ng ayuda sa kanyang mga kababayan.

Vice, lumihis sa kanyang comfort zone

Inamin ni Vice Ganda na ibang-iba ang karanasan niya sa The Breadwinner Is... Nanibago raw siya actually.

Ito ang rebelasyon niya sa MMFF announcement ng limang pelikulang bumuo sa MMFF Magic 10.

“Sinasabi ko nga, at ipinagmamalaki ko sa ABS-CBN na ito ang pelikula ko na pinaka-mapayapa mula simula hanggang dulo.

“‘Yung walang nag-aaway, walang nagagalit, walang nagmumura, walang sumisigaw, walang nagbabato ng upuan. Masaya lang lagi.

“Sobra nilang professional. Sobrang loving. Sobrang supportive.

“That’s what I felt, parang I was given so much love and support. And I needed that, at that time. Kasi siyempre, bago ito, eh. Bago ito, bagong dama, bagong gawa. Parang it’s familiar, but it’s different.

“Hindi ko siya comfort zone, pero sobra ang pinaram–dam nila sa akin na suporta pagmamahal. At mukha namang naitawid ko! Hahahaha!” pagkukuwento niya sa maiksing presscon.

Ang tinutukoy niya actually ay ang Idea First nila Direk Jun Lana na producer nga nitong The Breadwinner Is...

Nagpramis din siyang magsisipag sa pagpo-promote ng MMFF. Obligasyon daw niya sa sarili at sa kanyang pelikula ‘yun.

“Hindi naman sa pagmamalaki, siguro hindi ako masisilipan ng MMFF na hindi ako tumulong sa kanila sa pagpu-promote sa kanila, hindi lang ng pelikula ko.

“Katunayan, may sarili akong pang-float sa bawat munisipyo. Lalo na noong pandemya, na ni hindi alam ng mga tao na may festival na magaganap sa Pasko, kaya ako mismo, kailangan kong tumulong, kailangan kong gumalaw, kasi kung hindi ikalulubog ko rin naman `yon, at ng festival na kasali ako.

“So kung ano ang ginagawa ko noon, baka dagdagan ko pa ngayon. Katulad ng pelikula ko, familiar efforts, but different atake!” sabi pa niya.

Tiyak na magiging matindi talaga ang labanan ngayong MMFF dahil bukod sa sampu ulit ang pelikulang kasali, star-studded lahat.

Andyan ang Espantaho (Judy Ann Santos and Lorna Tolentino); The Kingdom (Vic Sotto and Piolo Pascual); Green Bones (Dennis Trillo and Ruru Madrid); Strange Frequencies: Haunted Hospital (Jane de Leon and Enrique Gil); Isang Himala: Musikal (Aicelle Santos); My Future You (Francine Diaz and Seth Fedelin); Uninvited (Vilma Santos, Aga Muhlach and Nadine Lustre); Topakk (Arjo Atayde and Julia Montes) and Hold Me Close (Carlo Aquino and Julia Barretto).                          

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with