^

Pang Movies

Fans naluha sa nerbyos...Kim, tumambling sa ere para magpasikat, team ni Vice sapaw na sapaw

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Grabe ang ng nerbyos ng mga nanood ng Magpasikat presentation ng grupo nina Kim Chiu and Ogie Alcasid kahapon sa It’s Showtime.

Talagang buwis-buhay.

Bukod sa kaba, nakakaiyak, lalo na nung natapos na niya ang kanilang performance.

Professional serkera / stunt woman ang da­ting ni Kim na tumitila-tilapon sa ere habang kumakanta si Morisette ang Isa Pang Araw.

Breathtaking.

Sa umpisa pa lang ay parang kabado na si Kim na kitang-kita sa monitor.

Pero pinatunayan niya sa nasabing performance ang pagiging total performer.

Binigay niya ang lahat na kahit napanood ko lang talaga sa nag-viral na video ay literal na parang ang hirap huminga sa sobrang kaba!

Kaya naman number 1 trending ang #Magpasikat2024OgieKimMCLassy hanggang kagabi.

Tweet ni Kim nung medyo hapon na, tutulog na raw siya dahil 4:00 a.m. pala ang call time nila kahapon. “Dahil jan sarap pa po magbasa dito pero sabi nga sa #Magpasikat2024OgieKimMCLass TIGIL. HINGA. KALMA. Good night po. Time to sleep.?? from 4am calltime ng kaba, kaluluwa, physical and mental readyness hihihi all in the spirit of fun for #magpasikat2024 salamat po sa lahat.”

Vilma, Juday, Vice, Vic, Piolo, at iba pamay salpukan sa Pasko!

Thirty one finished films ang pinagpilian sa limang additional official entries na bumuo sa Magic 10 sa magaganap na 50th edition ng Metro Manila Film Festival ngayong 2024.

Habang 39 scripts naman ang nauna nilang natanggap kung saan nauna silang namili ng lima pa.

Kaya sa kabuuan, 70 na pelikula ang natanggap ng MMFF ngayong taon pero sampu lang ang mapapanood sa December 25.

Nauna nang napili ang limang pelikula na base sa script - The Kingdom, Green Bones, Strange Frequencies: Haunted Hospital, Himala: The Musical, at ang And The Breadwinner is…

Ang lima pang pelikula sa finished films category ay ang sumusunod : My Future You - Regal Films; Uninvited - Mentorque; Topak - Nathan Studios; Hold Me Close - Viva Films and Espantaho - Quantum Films.

Ginanap ang annoucement ng limang entries para sa nalalapit nitong 50th edition sa isang press conference kahapon.

Pinangunahan naman ang annoucement ng additional five entries ni former Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, habang may representative ang lahat ng production ng Magic 10 entries.

Kabilang sa mga dumating si Vice Ganda na nangakong mas sisipagan pa ang pagpo-promote ng pelikula niyang And The Breadwinner Is...

Inasahan naman kahapon ang pagkakasali ng pelikula nina Vilma Santos (Uninvited) and Judy Ann Santos (Espantaho) na parehong horror / thriller ang tema.

Medyo sorpresa naman ang ang Topakk ni Arjo Atayde na isang all out action ang tema. Grabe ang mga eksena nila ni Julia Montes sa ipinakitang trailer.

Sina Carlo Aquino and Julia Montes ang bida sa Hold Me Close na sa Japan pa nag-shooting habang My Future You ng Regal Films nina Francine Diaz and Seth Fedelin ay naging comeback ng kumpanya ng namayapang si Mother Lily Monteverde na ngayon ay pinamamahalaan ni Roselle Monteverde after four years.

Bukod sa annoucement ng five additional entries, ipinakita na rin kahapon ang bagong trophy alinsunod sa pagdiriwang ng milestone year nito na ginawa ng kilalang Filipino artist na si Jefré. Ang kanyang makabagong disenyo ay nagbibigay-pugay sa makasaysayang paglalakbay ng sinehan sa Pilipinas at sa magandang kinabukasan nito, na sumisimbolo sa tagumpay ng MMFF.

Ang MMFF ay nananatiling mahalagang plataporma para sa pagpapakita ng de kalidad na pelikulang Tagalog at pagtataguyod ng lokal na industriya.  “Habang ginugunita natin ang ating ika-50 taon, nagbabalik-tanaw tayo nang may pagmamalaki sa pag-unlad at mga nagawa ng MMFF. Pero higit sa lahat, inaabangan natin ang kinabukasan na nakakatulong ito sa paghubog ng isa kung saan ang pelikulang Pilipino ay patuloy na umuunlad at nagbibigay inspirasyon,” sabi ni MMFF chairperson Atty. Romando Artes kahapon.

Sabi rin ng MMDA Chairman Atty. Don Artes; “Sa 31 finished film entries, lima lang po ang pipiliin at 26 po ang hindi makakasama sa 50th edition ng MMFF.

“Kanina po nag-uusap kami ng aming team. Ang sabi po nila, para po mabigyan pa rin ng venue iyun pong mga pelikulang hindi makakalahok dito sa 50th edition namin, titingnan po namin kung kaya pa na makapag-mount tayo ng another Summer Film Festival.” 

Lovi, hindi na nagba-bra

Tinantanan na ni Lovi Poe ang pangongolekta ng push up bra.

Proud flat chested na siya.

Unti-unti nga raw niya itong natanggap hanggang tuluyang niyakap.

Ngayon, priority niya ang self love na rason kaya’t naglabas siya ng sarili niyang make up line, Love You, Lovi.

“Little by little, naman, even up to this day, parang I have my moments wherein I have to snap back to reality, especially with social media and all the beauty standards na nakikita mo. You have to remind yourself every time to embrace yourself. That’s why we come up with Love, You, because once you bring it out of your makeup kit, I hope it serves as a reminder to people,” pag-amin niya sa ginanap na press launching ng Love You, Lovi.

Dagdag pa ng aktres na nakabalik na sa Amerika “You have to remind yourself you’re beautiful for who you are. It’s a love letter to yourself no matter whatever it is that you are going through; you know, it’s just a reminder. And so many instances, so many moments—it’s not just makeup; it’s also about too much information but being flat-chested, alam mo ‘yung mga ganyan.

“Before, trust me, I would buy a lot. I have a stack of bras. Sorry, na puro sila push-up bra major padded. I swear to God. I used to wear them until one day sinara ko na sya at never ko na syang ginalaw ngayon. 

“I’m like braless. I’ve accepted, you know, it takes time kasi once you realize na parang you know what, forget what people say, I have to embrace myself for a while kasi that’s what makes you different, eh.

“We forget that parang, of course; there are so many people that I look up to. We look up to certain icons, beautiful people, but then we should not forget what makes us unique and what makes us different—you know, what will make us shine,” pag-amin pa niya na nagpakita ng kakaibang husay sa pagganap bilang abogado sa pelikulang Guilty Pleasure na kasaluyan pa ring napapanood sa mga sinehan.

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng mga sumuporta sa launching ng kanyang make-up line.

“Thank you all for being here today—my family, friends, and fellow advocates of self-love. I’m thrilled to introduce Love, You—a makeup line that’s more than just about beauty; it’s about embracing who you are.

“Let’s be real: we’ve all felt the sting of judgment about our bodies and how we look. We’ve heard it all—too skinny, too fat, too tall, too short, too dark, too pale. It’s exhausting! We’ve all felt the weight of others’ opinions, but it’s time to turn down those voices and tune into our own. That’s why we named it love, you. It’s a love letter to yourself, reminding you to be kind to yourself because we can be our own harshest critics.

“And yes, you need to see your beauty too—hindi lang nanay mo ang nagsasabi na maganda ka, dapat ikaw din! Your mom will always be your biggest fan, but love, you is here to help you see yourself through her eyes. And most importantly, YOUR eyes. Hi, Mom! Thank you for being my light.

“At love, you, we celebrate what makes you uniquely YOU—your freckles, scars, and laugh lines. They’re not flaws; they’re your story! Remember, you’re not bound by anyone else’s timeline or standards. Break the mold and choose your own path and pace.

“Whether you’re 18 or 80, your beauty is yours to define. We want love, you to be part of your self-love journey, encouraging you to embrace your individuality. Makeup is about enhancing your natural beauty, not hiding it.

‘Here’s to loving yourself, celebrating what makes you special, and never letting anyone define your beauty but YOU,” ang mahabang post ng actress hindi pa man handang maging ina ay may mga naka-freeze nang egg para makasigurong magkakaanak sila ng kanyang mister (Monty Blencowe) na isang movie producer din.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with