^

Pang Movies

Angelica, sumailalim sa hip replacement!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angelica, sumailalim sa hip replacement!
Angelica Panganiban

Tuluyan nang sumailalim si Angelica Panganiban sa hip replacement nitong nakaraang Oct. 10.

Ito ay matapos ang first hip surgery niya three months ago kaugnay ng kanyang sakit na avascular necrosis.

Sa latest vlog na in-upload ni Angelica sa The Homans Channel sa YouTube, mapapanood ang naging journey ng aktres sa kanyang 2nd operation.

Matatandaang last year nang i-reveal ni Angelica na na-diagnose siya with avascular necrosis or bone death. Sinabi rin ng aktres kung gaano kahirap ang sakit na ito dahil araw-araw siyang nakakaranas ng pain at dumating na sa puntong halos hindi siya makalakad.

Noong nakaraang July ay sumailalim siya sa core decompression on both hips para masolusyunan ang kanyang sakit at hindi na sumailalim sa hip replacement.

Pero after three months, inamin ng aktres sa kanyang latest vlog na hindi nakatulong ang unang operasyon.

“Hindi siya nakatulong sa akin especially on my left hip. Pinadali niya ang pag-collapse ng aking balakang. Mas naging brittle ‘yung hips ko and for 2 months, bed rest lang ako,” kwento niya sa simula ng kanyang vlog.

“Hindi siya madali, of course, mentally. Kasabay ng pagkamatay ni Mama, hindi man lang ako makapag-exercise. Talagang nakahiga lang ako kahit gusto ko nang gumalaw,” patuloy niya

Bukod dito, aniya ay she was in so much pain at hirap na hirap na siyang maglakad.

“So, babalik kami sa St. Luke’s para magpa-hip replacement surgery on my left side,” she said.

Gusto nga raw nila ay sa Thailand siya magpaopera dahil base sa kanilang research ay magaling daw ang nasabing bansa hip replacement. Pero need daw na 1 month siya roon na siyempre with husband, Gregg Homan, at hindi raw nila kakayanin na mawala nang ganu’n katagal especially ang mawalay sa kanilang anak.

Base rin naman sa research nila ay magagaling din naman daw ang medical technology natin kaya nag-decide sila na dito na lang.

Bagama’t natatakot siya before the operation dahil hindi niya alam kung ano ang magiging resulta nito ay nangibabaw pa rin ang kagustuhan niyang gumaling siyempre kaya hinarap niya ang kanyang takot.

Mapapanood nga sa video ang pagpunta nina Angelica at Gregg sa hospital noong Oct. 9 para sa surgery the following day.

Tumagal ng 2 hours ang operasyon and it was a success.

Ipinakita rin niya ang first few days ng post operation at naging emosyonal ang aktres dahil wala nakakalakad na siya at wala na raw siyang nararamdamang sakit. Kaya naman laking pasasalamat siya na nag-decide siya na magpa-hip replacement.

Payo niya sa mga taong nakakaranas din ng tulad ng kanyang sakit, huwag matakot magpa-opera.

“Kita n’yo naman o, two days after the surgery, nakakalakad na ako, so tanggalin n’yo na ‘yung stigma ng mga nahi-hip replacement na hindi sila makakalakad, parang end of the road na ‘yung sa kanila. Hindi. Extension ‘to ng quality ng life n’yo,” aniya.

Emosyonal niya pang wika, “excited na ‘kong mabalik ‘yung buhay ko, makalaro ang anak ko.”

Nakalabas na ng hospital si Angelica and on the road to full recovery. Nangako naman siyang mag-a-update siya sa kanyang mga followers para rin magbigay ng awareness sa mga taong dumaranas din ng ganitong sakit.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with