^

Pang Movies

Kris, lumalaban pa sa tatlong deadly autoimmune pero wala nang cancer!

Dianne Canlas - Pang-masa
Kris, lumalaban pa sa tatlong deadly autoimmune pero wala nang cancer!
Kris Aquino

Nagbigay ng updates si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan kahapon. Matagal-tagal daw siyang Nanahimik dahil hirap siyang tanggapin ang katotohanan pero wala siyang magagawa dahil ito na ang kanyang ‘new reality.’

Sumailalim daw siya sa iba’t ibang test kabilang na ang PET (Positron emission tomography) Scan na kadalasang isinasagawa raw para ma-rule out ang cancer.

Sa sumunod na araw daw ay sinabi ng kanyang gastroenterologist na kailangan niyang simulan ang kanyang purge para sa endoscopy at colonoscopy dahil ayon sa kanya “The abdominal area, specifically my colon area lit up.”

Kadalasan daw ay sobrang tapang niya pero nang umalis ang kanyang doctor ay doon na raw siya napahagulgol. Pumasok daw ang oncologist ng nanay niyang si former president Cory Aquino, at surreal daw ang pakiramdam niya.

Maaalalang na-diagnose si ex-president Cory sa stage 4 colon cancer, at ganon din daw ang lola niya, na nanay nito.

Ang pinakamahirap daw ay ang sabihin kay Bimb na natutulog sa small sofa. Pinaliwanag niya rito ang mga posibleng mangyari at hirap na hirap siyang makita ito na pinipilit magpakatatag.

Naroon din daw si Dr. Mike na isang surgeon na dumiretso sa kanya agad pagkatapos ng surgery nito na sinabihan siyang ‘wag siyang mag-alala na alam na raw ng marami kung sino ito sa buhay niya.

Ito ang napapabalitang rumored boyfriend niya na mula sa Makati Medical Center na si Dr. Michael Padlan, na tila kinumpirma na niya.

Laking tuwa niya nang sabihin ng doctor niyang si Dr. Jonnel na cancer-free na siya, “clear intestines. No visible sign of cancer.”

Pero ang not so good news daw ay meron na siyang 5, possible 6 autoimmune conditions. Pero ang scary part daw ay tatlo sa diagnosed ay life threatening na maaaring makapinsala sa vital organs niya o sa kanyang blood vessels.

Pero pangako raw niya sa sarili “BAWAL SUMUKO. I need a goal, something for all of us to look forward to. #tuloyanglaban.”

Isa naman ang good news pa niya sa mga tagahanga niyang matagal na siyang hinihintay. Nagpasalamat siya sa kanyang former ABS-CBN bosses niya na pinayagan sina Darla at Jasmin na makatrabaho niya sa kanyang comeback show na ila-launch bago magtapos ang taon.

Sikreto raw muna ang concept.

Speaking of love life, nanawagan siya na ibalato na ito sa kanya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with