^

Pang Movies

Jennica, nahiya kay Direk Cathy!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jennica, nahiya kay Direk Cathy!
Jennica Garcia
STAR/ File

Aliw ang nangyari sa aktres na si Jennica Garcia nang magkaharap sila ng director na si Cathy Garcia-Sampana ng pelikulang pinagbibidahan ni Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again kung saan siya kabilang.

Ibinahagi ng anak ng batikang aktres na si Jean Garcia ang nangyari sa kanila.

Kahit may ginagawa pa raw siya noong proyekto at alam niyang mawawalan siya ng tulog kung pagsasabayin niya ang dalawa ay tinanggap niya ang pelikula nina Alden at Kathryn. Mas inisip niya na blessing na mapasama siya roon at masaya siyang maidirek ni Cathy.

Kaya sa isip niya ay bawal daw siyang ma­ging ‘sabaw’ sa director.

Pero nang una silang magkaharap ni direk Cathy ay bungad daw sa kanya nito ay humingi ito ng pasensya at sinabing hindi raw siya kilala nito.

Hiyang-hiya raw siya at sinabing “Uuwi na ko sa Pilipinas! Paano matanggal ‘yung hiya ko nito.”

Common knowledge  sa showbiz na anak siya ni Jean at matagal ding napahinga si Jennica sa pag-arte.

Paglilinaw naman ng director ay mali lang daw ang pagkaintindi sa sinabi niya at na-misinterpret siya.

Ang gusto lamang daw niyang sabihin ay hindi niya alam ang kakayahan ni Jennica bilang actress at kung ano ang forte nito, kung kaya raw ba nitong mag-comedy o dramatic actress ito.

Kaya naman inobserbahan niya ito at dinevelop lamang ang karakter nito habang tumatagal sa taping.

Depensa naman ni Jennica ay sobrang bait ni direk Cathy at spontaneous lang daw ang una nilang pagkikita.

Ganun naman pala. Bongga.

vuukle comment

JENNICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with