Lovi, nagkaroon ng make-up line para sa self-love!
Hindi napigilang maging emosyonal ni Lovi Poe sa launching ng kanyang sariling make-up line na Love, You by Lovi ng Ready. Set. Glow. Cosmetics. Ginanap ito last Friday sa Blue Leaf Cosmopolitan.
Ayon sa aktres, sobrang happy lang niya sa sunud-sunod na blessings na dumarating ngayon sa kanya tulad ng mga proyekto, endorsements at business ventures.
Matatandaang kabubukas lang din ni Lovi ng production outfit na C’est Lovi Productions at showing na nga ngayon sa mga sinehan ang first produced film niya na Guilty Pleasure with Regal Entertainment.
And now, natupad naman ang isa niyang pangarap na magkaroon ng sariling make-up brand.
“I’m just thankful with everything, I’m so blessed and thankful talaga,” ang naiiyak na sabi ni Lovi.
Ayon pa sa aktres ay matagal na raw niyang gustong magkaroon ng sariling make-up line pero hindi raw niya ine-expect na magkakatotoo ito.
Nagbalik-tanaw nga ang aktres na noong nagsisimula pa raw siya sa industriya ay nakatanggap daw siya ng mga panlalait because of her kayumanggi complexion. “When I did my first TV series, I remember, for me to look beautiful, they would put light foundation on me,” pag-alala niya.
Madalas nga raw niyang itanong noon sa sarili kung kailangan ba talagang maging maputi siya para maging maganda.
“That’s why, this ‘Love, You’ means so much to me kasi it’s beyond just make-up. It’s about self-love and empowering ourselves as individuals,” aniya.
The Love, You by Lovi collection includes five unique make-up products celebrating Filipina beauty.
“It depends on your mood, parang makeup depends on your mood kung ano ang self-expression mo today parang that’s the beauty of Love You, By Lovi is may variation and may range siya, so if you want to be very classic like Audrey Hepburn yes you can go, if you wanna be like Dua Lipa or Chappell Roan, you can go for that and ‘yun ang maganda you can express yourself just using makeup,” saad ni Lovi.
Alden, binigyan ng singsing si Kathryn!
Inamin ni Alden Richards na niregaluhan niya si Kathryn Bernardo ng isang singsing.
Sa panayam ng KathDen kay MJ Felipe ng ABS-CBN ay natanong si Alden kung binigyan ba niya ng ring si Kathryn as birthday gift.
Hindi naka-deny pa ang aktor at sumagot ng “yes” pero nilinaw niyang hindi birthday gift ‘yun. “Parang it was just a random day,” aniya.
Agree naman si Kathryn at ikinuwento naman ni Alden kung paano niya binigyan ng singsing ang leading lady sa Hello, Love Again.
“Parang we came from a party of a friend, and then, afterwards, parang nag-message lang sa akin si Kath kasi nga she lost her ring,” pagbabahagi ng aktor.
Nilinaw naman nila ni Kathryn na hindi raw ordinaryong ring iyon.
“It’s like a health ring,” sey ni Kath.
“Parang it tracks sleep,” paliwanag naman ni Alden.
“So, parang nag-extra effort lang naman tayo ng konti,” sey pa ni Tisoy (tawag kay Alden).
Eventually ay nahanap din naman daw ni Kath ang nawala niyang health ring.
“Nahanap ko ‘yung ring, tapos ngayon, may ring ding bigay si Tisoy. So, naging dalawa. So, ‘pag ‘di pa ma-monitor sleep ko, ewan ko na lang,” natatawang sabi ni Kath.
Nagbiro si MJ na hindi raw ito gawain ng normal friend at pumalag naman sina Kath and Alden.
“Oy, hindi, ah,” nasambit na lang ni Alden.
- Latest