^

Pang Movies

James, parang regular na sa ASAP

Pang-masa

Parang magiging regular na nga ulit si James Reid sa ASAP.

Ngayong araw ay muli siyang mapapanood  kasama sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, at Darren Espanto na magpapakilig sa mga manonood ng variety show sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pero bukod sa ASAP, tuloy na rin diumano ang gagawing teleserye ni James sa Kapamilya network.

Anyway, tondohan nga raw ang kantahan at sayawan sa ASAP kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Erik Santos, Yeng Constantino, Darren Espanto, at Gela Atayde na may dala-dalang all-out opening performance.

Makiindak naman kasama sina Belle, Alexa Ilacad, at AC Bonifacio na sasayaw ng viral song na Touch ni Katseye.

Subaybayan din ang isa pang trending act kasama ang Dilaw na may hatid na free concert experience sa telebisyon.

Mamangha pa sa vocal performances na inihanda ng ASAP divas na sina Morissette, Jona, Klarisse de Guzman, Marielle Montellano, at Lyka Estrella, at ng OPM icons na sina Erik at Angeline, kasama ang champions na sina Reiven Umali, Lyka, Marielle, at JM dela Cerna.

Abangan din ang bonggang collab act nina Martin Nievera at Yeng.

May handog na tribute naman ang ASAP sa OPM songwriter na si Vehnee Saturno kasama sina Gary, Martin, Regine, Ogie, Erik, Angeline, at Yeng na aawit ng kanyang hit songs.

Samantala, magpapabilib rin ang Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Chie Filomeno, at Anji Salvacion, at Rockoustic Heartthrobs na sina Kice, Luke Alford, Kobie Brown, Blackburn at Anthony Meneses.

vuukle comment

ASAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with