^

Pang Movies

Nadine, may ilalabas na sariling gatas!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nadine, may ilalabas na sariling gatas!
Nadine

Ang bongga naman nina Nadine Lustre at Christophe Bariou na may bagong negosyong plant-based milk na Dehusk.

Nilantad nila na malapit na nila itong ilabas ang kanilang bago at locally made na plant-based milk sa market na gawa sa prutas na mayaman ang Pilipinas, ang coconut milk.

Exciting daw na malapit na nila itong i-launch at nasa final stages na sila ng planning para sa kanilang marketing.

Malapit na raw nilang maipakita sa lahat ang pinagtatrabahuhan nila.

Looking forward naman ang karelasyon ni Nadine na sa wakas ay mapapakinabangan na ang coconut milk na tinawag niyang “the best of the Philippines.”

Parte raw ito ng plant-based lifestyle ng magkarelasyon.

At lahat daw sa Dehusk ay locally made at mula sa Southeast Asian region.

Ang unang rason daw kaya nila napili ang plant-based na pagkain at inumin ay para raw talaga sa mga hayop.

Ayon sa ex ni James Reid ay mapagtatanto natin na ang mga hayop ay indibidwal din na may karapatan sa pagmamahal at compassion, na deserve rin na mabuhay sa mundo.

Taong 2022 nang simulan ni Nadine ang vegan lifestyle kasama ni Christophe at mula noon ay naging consistent na siya na kahit sa fashion ay hindi na siya bumibili ng leather goods.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with