^

Pang Movies

Bianca, umangkas para makaiwas sa traffic!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca, umangkas para makaiwas sa traffic!
Bianca

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Bianca Umali na gumamit ng motorcycle taxi app para lang makaabot sa pupuntahang event.

Halos tatlong oras daw naipit sa traffic mula Quezon City papuntang Taguig ang girlfriend ng aktor na si Ruru Madrid.

Nagmotor daw siya para hindi siya ma-late sa venue ng kanyang contract signing bilang endorser ng isang brand.

Hindi raw kasi talaga niya ugaling magpahintay ng mga tao kaya kahit in full glam na, wala siyang kaarte-arte na gumamit ng motorcycle taxi app para makaabot sa event.

Against daw sa kanyang work ethics na magpahintay ng mga tao. Okay lang daw kung siya ang maghihintay pero hindi raw talaga niya gusto ang magpaimportante kaya humingi raw talaga agad siya ng pasensya pagpasok pa lamang niya sa venue.

Kaya gusto na raw talaga niyang magmotor para makarating lang sa pupuntahan.

Kahanga-hanga nga ang pagiging professional ng aktres na hindi gaya ng ibang celebrity na nakaugalian nang magpahintay.

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na nangyari na gumamit ng motorcycle riding app ang isang Kapuso celeb dahil maaalalang gumamit din ang King of Talk na si Boy Abunda ng riding app para lang makaabot sa sarili niyang show na Fast Talk with Boy Abunda.

Kinailangan pa siyang palitan ni Rocco Nacino saglit para mag-open ng show dahil ilang segundo itong na-late.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with