^

Pang Movies

Charo, malapit na ulit bumalik

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Charo, malapit na ulit bumalik
Charo Santos-Concio

Matagal nang planong ibabalik daw ang dating drama anthology ni Charo Santos, ang Maa­laala Mo Kaya. Isa iyan sa longest running drama anthology sa telebisyon, at isa rin sa pinakamagastos. Hindi puwedeng lumabas diyan ang basta-bastang artista. Sinisiguro nilang baguhan man, iyong talagang may ibubuga.

Bukod doon, alam naman ninyo si Charo Santos ay minsang naturingang Asia’s Best Actress kaya hindi puwede riyan ang kung sinu-sino lang.

Nawala lang naman iyang anthology na iyan noong mawala na rin ang ABS-CBN.

Tinatapatan siya ni Mel Tiangco sa GMA, na ok rin naman pero siyempre iba pa rin ang dating ni Charo.

Anyway, may balak na raw ngayong ibalik ang Maalaala mo Kaya. Maraming nakuhang outlet ngayon ang ABS-CBN, at posible ring ang sariling production company nina Charo at Malou Santos ang gumawa noon. Madali lang silang makakakuha ng air time kahit na saang network pa.

Siguro ok ngang ibalik na ito, matagal na rin naman nating hindi napapanood ang isang anthology na talagang kalidad ang pinag-uusapan.

Liza, Tatlo ang bagong manager

May mga nagsasabing mukha raw nagkakaroon na ng linaw ang tatakbuhin ng career ni Liza Soberano at sa ambisyon niyang maging isang Hollywood star. Nang umalis siya sa Careless Music mukhang nagkaroon naman siya ng mga mas tamang contacts.

Pumirma na pala siya ng kontrata sa Transparent Arts, at doon sa Verve Ar­tists’ Agency na parehong based sa US, particularly sa LA. May trabaho rin daw sa Asia, pumirma rin siya sa Wild Agency sa Singapore.

Sa Pilipinas, lutang na lutang ang kanyang kagandahan at iyon ang dahilan kung bakit mabilis siyang sumikat talaga.

Eh sa ibang bansa, napakaraming puti at karaniwan na lang ang kanyang hitsura. Iyan ang odds na kailangan niyang harapin dahil sa ambisyong maging Hollywood star.

Pero nakakagulat na ang ganyang may mataas na ambisyon, sana nga ay tama ang kanyang mga kausap na tao.

vuukle comment

CHARO SANTOS-CONCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with