^

Pang Movies

JM at Jameson, may pa-puwet sa guilty…!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
JM at Jameson, may pa-puwet sa guilty�!
JM Guzman at Jameson Blake

Walang dibdib o puwet na ipinakita si Lovi Poe upang mailabas niya ang kanyang senswalidad sa Regal movie na Guilty Pleasure na nagkaroon ng premiere night last Tuesdays sa SM The Block.

Inangkin kasi ng Primera Aktresa ang buong pelikula na ilang beses pinalakpakan ang kanilang mga eksena!

Dagdag pa rito ang ganda ng porma niya sa suot na may tema na Filipiniana, huh!

Mula sa opening hanggang sa closing ng movie na dinirek ni Connie Macatuno, nagpamalas muli ng galing sa pag-arte si Lovi kahit may maiinit siyang eksena sa kaparehang sina JM Guzman at Jameson Blake na kapwa rin magaling!

Seksing-seksi si Lovi bilang lawyer na laging panalo sa ipinaglalaban na kaso. Hindi nga lang niya naipaglaban ang sariling kaso pero nang naipanalo ito, sa bandang huli ng pelikula malalaman ang resulta!

Magaling ang pagkakasulat ng movie at ang husay ng direksyon ni Macatuno. Well-acted din ng mga bida at support cast ang character nila.

May pa-bonus pa sina JM at Jameson na nagpakita ng puwet habang kaniig si Lovi, huh!

Showing na sa cinemas nationwide ang pinakamainit na pelikula ng taon, ang Guilty Pleasure at talagang masisiyahan at maraming matutunan ang manonood!

BPSF, mahigit 13k ang naayudahan!

Pinangunahan ni Senator Bong Revilla, Jr. ang pagdaraos ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) nung Linggo sa Philippine Sports Arena sa Pasig kung saan mahigit sa 13,000 na manggagawa sa industriya ng pelikula, TV at radio ang direkta at agarang naabutan ng tulong ng gobyerno!

Ito ang pinakamalaking convergence caravan sa bansa kung saan 60 mga ahensiya ng pamahalaan ang nagsama-sama upang maghatid ng lagpas 400 programa at serbisyo ng gobyerno.

“Mas ikinatuwa ko ito dahil nakaharap ko ang mga taong malalapit sa akin sa industriya ng radio, TV at pelikula. Mahal na mahal ko sila dahil kung hindi sa kanila eh walang senador Bong Revilla, Jr. na makakasama nila,” saad sa bahagi ng talumpati ni Senator Bong.

Dagdag pa ng senador, “Kahit kailan, hindi ko po maikakaila – parte ako ng industriyang ito at kahit kailanman ay hindi ko mababayaran ang sekto na pinagmulan ko!”

Present din sa BPSF ang haligi ng industriya na sina Jose Javier Reyes, Film Development Council of the Philippines chairman, Boots Anson Roa ng Mowelfund, Roselle Monteverde at pulitikong sumusuporta sa BPSF!

vuukle comment

JM GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with