^

Pang Movies

Zanjoe, ‘di na basta tumatanggap ng trabaho

Salve V. Asis - Pang-masa
Zanjoe, ‘di na basta tumatanggap ng trabaho
Zanjoe at Ria

MANILA, Philippines — Aminado si Sylvia Sanchez na magiging spoiled sa kanya ang anak nina Zanjoe Marudo and Ria Atayde.

Ibibigay niya raw lahat sa apo. “Ah basta ganito lang, ang sinabi ko lang kay Zanjoe saka kay Ria ‘pag meron silang sasabihin sa akin, Mommy bawal pakainin ng ice cream, ng chocolates ‘yung anak ko, huwag silang maniwala ‘pag sinabi ko sa kanilang, ay hindi ko pinakain dahil hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun,” natatawang kuwento niya kahapon bago nag-umpisa ang media conference para sa first solo concert ni Juan Karlos na ang kumpanya nilang Nathan Studios ang producer.

“Ngayon pa lang, oo, pero syempre tuturuan ko rin na bawal ‘yung ganito, kailangan ganun pero sa kanila Z ‘yan. Ayoko silang sagasaan diyan,” aniya kung paano siyang magiging lola sa unang apo.

Pero grabe raw ang pagiging ina ni Ria.

Mas maalaga raw kesa sa kanya. “Wala, siya talaga kahit may yaya, siya talaga,” aniya sa pagiging hands-on ni Ria.

Ganundin naman daw si Zanjoe.

“Isa pa ‘yun. Ayaw niyang every time na si Ria pupuntang clinic, magpapa-check up nung buntis pa ayaw niya na hindi siya kasama. Hindi nga ako pwedeng sumama dahil siya nga. Eh, siya naman asawa. Hindi ko nga na-experience ‘yun,” aniya.

Chika pa niya na hindi talaga tumatanggap ng trabaho si Zanjoe ‘pag aalis sila ng misis na si Ria.

“Sobra! Hands-on si Zanjoe sa asawa niya at sa anak niya.”

Anong feeling ng lola first apo?

“Masaya. Sa kanila ngayon ‘yung baby. Kasi ‘di ba nasa bahay nila. So, ngayon ‘yung baby nasa kanila. Sige sige, paglaki-laki niyan.”

Ngayon daw ay sinasabihan na siya ni Ria na ‘wag na itong masyadong ipag-shopping dahil wala na rin silang malagyan.

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with