^

Pang Movies

Rocco, mas napansin ng mga koreano sa suot na barong

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival.

Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event.

Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea para dumalo sa Busan International Film Festival at nakita niya ang ilang kilalang Korean stars.

“It was really the barong ang nagkuha ng interes nila kung paano ako nagkaroon ng paraan na makausap sila,” sabi ni Rocco.

Nakilala rin niya ang bida ng hit Korean series na Squid Game na si Lee Jung-Jae at sinabing nagustuhan umano ng Korean star ang kaniyang barong.

Jillian, maraming napulot na aral

Sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso hit afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap, inihayag ni Jillian Ward ang kanyang kasiyahan na nakapagbigay sila ng inspirasyon sa mga manonood, mga bata man o matanda.

Sinabi ni Jillian na lagi siyang nakakatanggap ng mga mensahe mula sa mga sumusubaybay ng kanilang teleserye.

“Everyday may nagme-message sa ‘kin na nai-inspire sila dahil sa show. All ages ‘yun, mga nanay, mga bata. May mga nanay na nai-inspire na bumalik sila sa pag-aaral. Kasi ‘yun din ‘yung lesson ng Abot Kamay na Pangarap. It’s never too late to reach for your dream,” sey niya.

Taong 2022 nang unang masilayan ng mga Kapuso ang naturang te­leserye.

Pag-amin niya, hindi niya inasahan ang mainit na pagtanggap ng mga manonood dahil na rin sa kaniyang karakter bilang bida na isang batang doktor.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with