^

Pang Movies

Heart, sumagot!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, sumagot!
Heart Evangelista at Panda

Umaani ngayon ng katakot-takot na reaksyon ang bagong post ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram page.

Nagbahagi ang aktres/fashion icon ng mga larawan niya kasama ang kanyang Aspin dog na si Panda Ongpauco Escudero.

Sa mga larawan ay makikitang nakaupo sila ni Panda sa hagdan at sa bandang ibaba ay nakalagay naman ang Louis Vuitton bag ng aktres.

Sa caption ay tila may paglilinaw si Heart at sinabing hindi siya nagsinungaling.

“I didn’t lie … I said ILY @pandaongpaucoescudero,” sey ni Hearty.

Tila nakuha naman ng followers niya ang kanyang ibig sabihin kaya naman kanya-kanya sila ng reaksyon.

“Ang ganda niyo ni panda dyan, namiss ko kayo. And yup missy, we know you didn’t lie. As your long time friend, I can attest to that. In this case, sure na sure ako na hindi ikaw yung sinungaling at hindi mo kailangan magsinungaling. Alam ko naman kung sino ang sinungaling without a doubt. Tandaan ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit #itiswhatitis …” sey ng kanyang kaibigang si Albert Kurniawan.

“Never explain yourself to anyone because the person who dislikes you won’t believe it. You have beautiful heart and a beautiful soul always remember that,” komento naman ng isa niyang follower.

“Heart is Heart? nag papakatotoo lang .. hindi yung tahimik pero nasa loob ang kulo.. iba mag uusap para nga naman masabing tahimik lang siya at hindi nag paparinig,” sabi naman ng isa pa.

“Of course dito kami sa legit fashion icon? at hindi nag de.delete ng comments. Honesty is the best policy kaya dba ,” sey pa ng isa niyang fan.

Hinuhulaang may kinalaman sa post ng dating make up artist ni Heart na si Justin Soriano ang post na ito na Heart.

Nag-post nga ito ng : “Pia never ever stole any contacts or whatever. Lalo na kami. We are only a glam team and hindi nga namin kilala ar close mga PR. Also PIA IS PIA!

“She has walked the runway in new york when she was miss universe. She already attended a lot of fashion shows in new york way back 2015! So that cheating thing is actually invented so people can draw hate towards pia.”

Kathryn, protektado ni Aladen

Viral ngayon ang video nina Kathryn Bernardo and Alden Richards kung saan ay makikita kung paano alagaan at protektahan ng aktor ang leading lady at rumored girlfriend.

Sa video na ipinost ng isang netizen ay makikitang dinudumog ang KathDen ng mga fans sa isang mall show para sa promo ng movie nilang  Hello, Love Again. Masaya namang nakikipagkulitan ang dalawa sa mga tagahanga.

Pero nasisilaw si Kathryn sa ilaw kaya ang ginawa ni Alden ay tinakpan niya ng kanyang kamay ang bumbilya para hindi na masilaw pa ang ka-loveteam.

Bukod dito ay hinanap pa ng aktor ang switch ng ilaw at tuluyan na itong in-off.

Kilig na kilig naman ang KathDen fans sa pag-aalaga ni Alden kay Kathryn.

Anyway, marami ang nagsasabi na may relasyon na raw talaga sina Kathryn and Alden pero hanggang ngayon ay wala pa namang pag-amin or pagde-deny ang dalawa tungkol dito.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with