Tessie, Noel at Nova, may senior moments
Tiyak na makaka-relate ang marami laluna ang senior citizens at kanilang mga anak sa maiden offering ng baguhang film outfit, ang A&S Production, ang Senior Moments na pinagbibidahan ng tatlong veteran senior stars na sina Tessie Tomas, Noel Trinidad at Nova Villa na nagkaroon ng red carpet premiere nung nakaraang Miyerkules, Oct. 9, sa Cinema 5 ng Gateway Mall in Quezon City.
Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ng veteran writer-director at painter na si Neil ‘Buboy’ Tan.
Ang magkakahiwalay na character nina Tessie, Noel at Nova ay magkakaklase nung sila’y nasa high school pa.
Sa kanilang huling high school reunion ay halos sila-sila na lamang ang dumalo dahil marami na kanila ay yumao na.
Relatable ito sa lahat dahil nangyayari ito sa tunay na buhay at kapupulutan ng aral.
Ito ay nagsilbing reunion ng tatlong senior stars na matagal na nagsama sa TV show na Abangan ang Susunod Na Kabanata sa ABS-CBN – tumagal sa ere ng anim na taon.
Carlo, inabot ng kamalasan sa Japan!
Very proud ang actor na si Carlo Aquino sa kanyang kauna-unahang Fil-Jap action-drama movie na Crosspoint na pinamahalaan ng Japan-based writer-director na si Donie Ray Ordiales na nagtapos ng film directing sa Tokyo Film Center School of Arts in Japan.
Bukod sa Filipino co-actors, nakatrabaho rin ni Carlo ang Emmy-nominated Outstanding Supporting Actor for Shogun TV drama series na si Takehiro Hira.
Si Carlo ay gumanap sa papel ni Manuel Hidalgo, dating popular actor na sumadsad ang career. Dahil wala na siyang ibang makuhang trabaho sa Pilipinas, nagdesisyon siyang magtungo ng Japan sa tulong ng kanyang kaibigang si Alvin na ginampanan ni Ian de Leon. Iniwan niya sa Pilipinas ang kanyang asawang malapit nang magsilang sa kanilang unang supling.
Palibhasa’y wala siyang kaukulang papeles sa Japan, illegal ang kanyang pagtatrabaho sa isang club sa Japan bilang isang singer kaya inabot siya ng kamalasan hanggang makilala niya si Shigeru sa isang maliit na kainan outside of Tokyo na siyang nagkumbinsi sa kanya na magtulong sila na hulihin ang isang most-wanted criminal in Japan para makuha ang reward money na 10 million yen.
Maganda ang pagkakalahad ng kuwento at pagkaka-execute ng mga eksena. Wala ring itulak kabigin ang husay pareho nina Carlo at Takehiro maging ang criminal na si Sho Ikushima na ginampanan ni Tatsuya Aso na isang actor-producer.
- Latest