^

Pang Movies

Marian, maraming paalala sa eleksyon

Salve V. Asis - Pang-masa
Marian, maraming paalala sa eleksyon
Marian

MANILA, Philippines — Apaw ang Kapuso stars at iba pang celebrities sa red carpet premiere screening ng critically acclaimed satirical movie ni Marian Rivera na Balota na ginanap sa Cinema 11 ng Gateway 2 Cineplex nitong Biyernes. Dinagsa rin ito ng napakara­ming fans ni Marian.

Siyempre, pinangunahan ang star-studded attendance ng mister ng aktres na si Dingdong Dantes na nagpaka-guest relation officer sa pag-iikot at pagbati sa mga dumalo bago ang screening.

Present sa okasyon ang GMA execs na sina Annette Gozon-Valdes at Lilybeth Rasonable, Jacqui Cara ng Triple A (All Access to Artists) management team at Kapuso artists na sina Pokwang, Kyline Alcantara (kasama si Kobe Paras na laging holding hands), Ruru Madrid, Bianca Umali, Kate Valdez (kasama si Fumiya), Kristoffer Martin, Boobay, Tekla, celebrity vloggers na sina Ivana Alawi, Zeinab Harake, magdyo­wang Kim Molina at Jerald Napoles at maraming-marami pang iba.

Tulad sa inaasahan, rave ang mga nanood sa ipinakitang husay ng Kapuso Primetime Queen bilang “deglamorized” teacher na si Emmy Rivera, na isinugal ang buhay niya at ng kanyang pamilya mapangalagaan lang ang mga balota.

Palakpakan ang mga nasa loob ng Cinema 11 pagkatapos itong ipalabas.

Proud husband moment muli ang gabi para kay Dingdong na nag-post pa sa Instagram kung gaano siya kabilib sa naging pagganap ng asawa. Aniya, “Experiencing this movie for a second time, and watching my wife dominate in her role, fills me with immense pride. Congratulations, once again, to the whole team!”

Matatandaan na ang Balota ang kauna-unahang Cinemalaya film ni Marian sa ilalim ng direksyon at panulat ni Kip Oebanda.

Ito ang isa sa Cinemalaya Bente box-office hits at nagbigay sa aktres ng kanyang first Balanghoy trophy bilang best actress, among other awards.

Maganda namang himayin ang eksena sa pelikula lalo na at ang daming kakandidato sa 2025 mid-term elections.

Produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya, nagkaroon din ito ng screening sa 44th Annual Hawaii International Film Festival sa Hawaii noong Oct. 6. Napanood ito sa Consolidated Theaters Kahala nitong Oct. 12 at sa Lanai Theater at Hale Keaka naman sa Oct. 21.

Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula Oct. 16.

Aktor, nag-bread trip

Wow, 10 million pesos pala ang talent fee ng isang actor sa lalabas na political ad ng isang kandidato sa national position.

In the bag na diumano ang nasabing halaga.

Actually, siguro nga bread trip na lang ito para sa actor dahil saan mo nga naman pupulutin ang P10 million kahit pa sabihing mababawasan ito ng tax.

Mayaman na ang actor at kung tutuusin wala naman siyang pinakakaing pamilya.

Ka Tunying, ‘di pa nababawi ang nanakaw na channel sa YT

Ang huhusay na ng mga hacker.

At ang latest nilang biktima, ang broadcast journalist na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na nawindang sa pagka-hack ng kanyang YouTube channel, Tune In Kay Tunying (TIKT), earlier this week.

At nabura diumano ang lahat ng orihinal na post ng TIKT at ang channel, na may halos 800,000 subscribers na pala at sa kasalukuyan daw ay may pangalang Micro Strategy.

Meron na rin daw itong mga upload tungkol sa mga solusyon sa crypto.

Nung una raw ay na-recover ng technical team ni Ka Tunying ang channel at pinalitan ang bagong profile picture, cover at link na inilagay ng grupong nang-aagaw dito, kalaunan ay natuklasan din daw nilang hindi na mahahanap ang channel sa YT.

Bukod daw dito, wala nang administrative control si Ka Tunying sa kanyang channel.

Iniulat ng broadcaster ang nangyari sa YouTube / Google, at ayon sa pinakabagong update, nangako ang YouTube na aayusin daw ito sa loob ng tatlong araw.

Bago ito, sa nakalipas na ilang buwan, mabilis na kumalat sa social media ang ilang mga pekeng kopya ng mga panayam niya sa mga bilyonaryo at iba pang VIP, na nagpapahiwatig na ang mga indibidwal na ito ay nakamit ang mga kayamanan dahil sa cryptocurrency.

Paulit-ulit na pinayuhan ni Ka Tunying ang kanyang YT subscribers at FB follo­wers na huwag paloloko sa mga pekeng panayam na ito, na malinaw na naglalayong makakuha ng crypto followers.

Pero sa social media pa ba. Kaya nga maraming manloloko dahil maraming nagpapaloko.

Kaya naman ayun, nabiktima si Ka Tunying kung saan pinalabas niya ang kanyang bi-monthly digital newscast na Tune In Kay Tunying, Live! ng tumatalakay sa iba’t ibang usapin.

Bagama’t labis na nalungkot sa insidente ng pag-hack, nangako si Ka Tunying na patuloy na gagawa ng makabuluhan at impormasyong naglalaman ng kaalaman sa bawat manonood.

Inaasahan niya na makukuha ulit ang kanyang channel sa YT, na in all fairness naman ay hindi ito kumbaga trinabaho ng overnight lang, gumugol din siya ng taon.

Well, talagang ang daming gustong umasenso sa mabilis na paraan.    

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with