^

Pang Movies

Pero nag-try ng lit... Alex, hindi na minamadali ang pagbubuntis; nagdemanda ng basher!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero nag-try ng lit... Alex, hindi na minamadali ang pagbubuntis; nagdemanda ng basher!

Hindi na pini-pressure ni Alex Gonzaga na mabuntis. Chill na lang siya at hihintayin na lang nila ng mister na si Mikee Morada kung kailan darating ang first baby nila.

Ito nga ang rebelasyon ni Alex kahapon, sa press launching ng Chef Ayb’s Herbal Tea kasama ang kanyang mga magulang - Daddy Bonoy and Mommy Pinty.

“Parang ngayon, siguro this time, kasi last year, pinressure ko kasi. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon, ‘di ba? Nagalit Daddy (Bonoy) ko. Bakit daw ako (naniwala). Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, pa-IVF (in vitro fertilization) pa ako,” umpisa niya kahapon.

Hinahabol daw sana nila ang Year of the Dragon na sinasabi ngang suwerte para sa mga bagong mag-asawa na magkaanak ngayong 2024.

Mas maluwag na raw niyang natanggap ang lahat. Maaalalang nagkaroon ng miscarriage si Alex

Dagdag niya: “Hindi ko na po pini-pressure, dati kasi pinressure ko, wala rin. So, ang ate ko ang nabuntis,” kuwento pa niya sabay tawa.

At pabor ang ina na hindi na trying hard ang anak at mister nitong pulitiko na magka-baby na sila agad-agad. “Oo. Para hindi nai-stress. Relax lang. Pero sinisisi ko sila,” hirit na biro pa ni Alex sa mga magulang.

Sa ngayon ay nagbabalak sila ng mister ng church wedding. Wedding anniversary nila next month, November.

Pero naaapektuhan pa ba siya ng bashers? O adjusted ka na rin? Tanong namin sa kanya. 

“Siguro may mga times na maapektuhan ka, pero kung malakas nga talaga ‘yung core group mo. Like, I have my parents, I have my sister, I have my husband. ‘Pag binaba mo naman ‘yung cellphone mo, ‘di mo na naman alam ano ‘yun eh. So, ‘yun lang. Parang minsan, syempre, talagang minsan maaapektuhan ka, pero at the end of the day, kapag meron kang supportive na family, may core group ka na talaga, even my friends, na talagang solid, hindi ka naman masyadong masi-sway.”

At anong bashing ang matinding nakaapekto o nakasakit sa kanya?

“Hindi ako nasaktan. Personally po, hindi po ako nasasaktan dun. Pero, parang tingin ko, kailangan mag-stop ‘yun. ‘Pag sinasabihan ka ng baog, sinasabihan ka ng ganun. So, meron kami recently, pero ginawa ko po ‘yun, hindi po dahil sa... kasi ‘di ba po, sa gender nagiging very sensitive na tayo ngayon, ‘di ba po, even sa body shaming. 

“Pero bakit sa babae, ‘pag walang anak, parang very loosely ginagamit ‘yung nalaglag, baog, ‘di ba? Parang dapat we really have to be sensitive about it. Kasi ako, kaya ko, pwede naman, kasi okay naman ‘yung ano ng doctor ko. Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganung issue, ‘di ba? 

“‘Yung talagang para sa kanila is, may mga ganun talaga akong kilala na they can’t even talk about it. Kapag tatanungin ko, kasi ako very casual ako magkwento, sila talagang nakikita mong very sensitive about it. So, naisip ko, dapat we have to be careful, na gamitin ‘yung mga word na ‘yun, very loosely, sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang babae na hindi natin alam. Hindi lang for me. So, meron akong ano...” mahaba niyang sagot sa tungkol sa bagay na nakaapekto o nakasakit hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga kababaihang naapektuhan ng mga ganung salita.

“Meron tayong demanda dyan. Ngayon magla­labas na siya ng kanyang statement,” na walang binanggit kung sino ‘yung tinutukoy niya sa demanda.

Bukod sa Chef Ayb’s Paragis with Moringa and Guyabano Tea na endorsement nila, aniya ay naka-line up na ang kanyang mga gagawin.

Anyway, ayon nga kay Alex nakatulong itong bagong endorsement nilang tea upang magkaroon siya ng chance na mabuntis.

Dahil ba rito, hindi na siya magta-try ng ibang paraan para mabuntis?

“I’ve tried IVF. And, before po ako ma-meet ng paragis, I’m doing LIT (Lymphocyte Immunization Therapy). Kung hindi n’yo po alam ‘yung LIT, it’s a blood transfusion for my... Kasi nga po nakita na ‘yung aking immune system is masyadong mataas. My body doesn’t recognize pregnancy. So, that’s the way it goes. So, nung nagta-try po kami, hindi po umaangat masyado ‘yung aking blood levels, ‘yung aking immune... Kasi hindi ko alam, ma-gets sa mga doktor, basta pumunta na lang ako doon. So, by drinking this, syempre hindi ko sinabi ‘yun sa doktor ko, pero nag-take po ako nito. So, so far, by God’s grace, my last test is positive na po ‘yung katawan ko. So, anytime, pwede po tayong mabuntis. So, kasi tiningnan niya ‘yung blood, pwede pala ‘yun, hindi ko po alam na parang oh, your body really can take pregnancy. So, right now, it’s positive, it’s 60% okay.

“So, by God’s grace. So, anytime na po, baka po mamaya pumunta na ako sa likod, nandiyan si Mikee. Dito pa natin magawa, oo. Kung magkulong ako sa CR dyan, basta tuluy-tuloy ko lang daw ang pag-inom. Even si Mikee po kasi, it’s also good also for the sperm. Ay, ito na tayo. It’s also good for the men’s swimmers, reproductive organs. So, actually, ang number one benefit talaga nitong Paragis is really for reproductive. Pero, the moment na mabuntis ka, you have to stop. Kasi nga, syempre it’s detoxifying baka ilabas n’ya. So, ‘yun lang ‘yun po. ‘Yun po ‘yung, so far, praise God,” paliwanag niya tungkol dito na oo nga hindi na niya pini-pressure ang sarili pero base sa mga doctor, handa na ang katawan niya.

ALEX GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with