^

Pang Movies

Ivana, ayaw ilagay sa alanganin ang Pilipinas

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilahad ni Ivana Alawi ang mga dahilan kung ba’t wala siyang planong pasukin ang pulitika kahit na milyun-milyon ang followers niya sa kanyang iba’t ibang social media platforms sa isang TikTok video.

Sure winner sana siya kung tutuusin.

Katwiran niya : “Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala akong alam sa politics. Wala kong alam sa paggawa ng batas and siguro kung papasok man ako sa ganyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years because because I don’t want to put our country at risk. Bakit ko papasukin ang isang bagay na hindi ako handa?” pahayag niya sa 14 million TikTok followers na inumpisahan niya sa joke habang habang kumakain ng bulalo na na-miss daw niya pagkagaling ng Europe.

“A lot of people would say ‘Eh kasi gusto ko kasi makatulong sa Pilipinas. Gusto ko makatulong sa kababayan natin.’ Guys, kayang-kaya natin gawin ‘yun even without being into politics. Kahit wala kang position, wala kang upuan kaya mo makatulong,” dagdag niya.

“Hindi mo kailangan maging congressman or mayor or councilor para makatulong ka. We can all help out in our own small ways. Kapag papasok ka sa politics at ipaglalaban mo ang Pilipinas... dapat may utak  ka, hindi lang dapat ganun dapat may laman ‘yung utak mo,” sabi pa niya.

Pero wala naman daw siyang tutol sa mga gustong tumakbo pero pagdidiin niya hindi basehan ang rami ng followers kaya panawagan niya maging wais sa pagboto.

“Hindi basehan ang followers or sikat kasi siya kaya mananalo siya. Dapat hindi ganoon. I have nothing against people who are running kasi buhay nila ‘yon gusto nilang tumakbo but this is my opinion and my thought and my answer to the messages that I’ve been getting.

“Kapag boboto kayo, please vote wisely. Kasi mahal natin ang Pilipinas. I believe aasenso ang Pilipinas as long as we pick the right leaders and the right people to lead our country. Ini-encourage ko lang kayo, kung ayaw niyong pakinggan ‘wag niyong pakinggan,” pahayag pa niya.

“Kung boboto man kayo sana ‘yung may tiwala ka sa tao. Hindi porket ‘Ay sexy kasi siya, maganda siya,  guwapo siya, ay sikat siya, napanood ko siya.’ Dapat hindi ganoon. Dapat ‘ay may tiwala ako sa kanya. Alam ko may magagawa siya para sa Pilipinas. Magaling ‘yan.’ Dapat ganoon. Kasi kung sa ganda lang guys, ano ambag mo lang ‘yung ganda mo o ‘yung pogi sa session o ‘yung pagiging sexy mo, ano ‘yon?” 

At inulit niya na vote wisely.

“Please vote wisely. At kung tatakbo ka sana man lang ibibigay mo ‘yung all-in mo hindi pwede ‘ah racket ko ito.’ Dapat dedicated ka, give your all. Dapat alam mo ‘yung ginagawa mo at mahal mo ang ating mga kababayan. Kasi dapat ang nasa utak mo lagi is them, kung makasarili ka, ‘wag ka nang tumakbo,” sabi pa niya at saka itinuloy ang pagkain ng bulalo.

Ito nga ay kahit may pagkakataong nali-link si Ivana sa pulitiko.

Marco, natanggap ang plano ng Diyos

Suko na sa pulitika an OPM icon na si Marco Sison.

Isang beses na siyang nanalo, pero dalawang beses naman siyang natalo.

Kaya ayaw na niya.

Naniniwala siya na may mensahe na ang Diyos kung bakit nangyari ‘yun.

“Ibig sabihin ng Diyos, huwag mo nang pasukin ‘yan hindi mo ‘yan kaya. Dito kayo mas marami kayong mapapasaya,” na ang tinutukoy ay ang pagiging singer niya na hanggang ngayon ay in demand naman talaga sila ng kapwa niya OPM icons.

Sa kasalukuyan ay naghahanda sila ni Rey Valera para sa Ang Guwapo at Ang Masuwerte na gaganapin sa Nobyembre 22, 2024, sa Music Museum.

Pero si Rey pala ay never nakumbinsi na mag-pulitika.

Katwiran niya ay nerd siya at hindi niya kayang makipaghalubilo sa maraming tao.

“Naalala n’yo ‘yung sinasabi kong nerd ako? ‘Yung privacy ng isang nerd talagang kanya ‘yung buhay niya eh. Ang problema ‘pag pulitiko ka, lulusubin ka ng mga katakut-takot na mga resibo ng hospital, kung anu-anong mga ano... kakatukin ka, hindi ka tatantanan. Magmumukha ka namang ano kapag hindi mo sila inabutan araw-araw. May mga consequences ‘yun,” katwiran ng isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM).

Andami ngayong kakandidatong artista, singer, social media personality, etc., basta nasa entertainment industry, kaya naungkat ang topic na ito sa ginanap na intimate chikahan sa dalawang OPM icons noong Miyerkules ng hapon.

Ididirek ni Calvin Neria ang Ang Guwapo at Ang Masuwerte, at produced ng Echo Jham Entertainment Production.

At para kay Marco, “wala namang guwapo eh, wala namang pangit at tama talaga dun ‘yung swerte, ‘di ba kasi pinagtatrabahuhan ang swerte. O kahit gwapo ka kung tamad ka naman edi wala rin.”

Samantala, dahil dalawa lang sila sa nasabing concert, kaya’t may mga bagong paandar sila. “Meron kaming surprise number na P-pop number, ganyan. Pero surprise yun, hindi namin sasabihin. Kasi kami, sure na masu-surprise din kami!” sabay tawa ni Rey.

Mala-SB19? “SB-senior!” hirit ni Marco.

Magiging guest naman nila ang mga promising young singer na sina  ­Andrea Gutierrez at Elisha.

May sinulat ding kanta para sa nasabing concert si Rey - Feeling Guwapo - na aniya ay magsisilbing pasasalamat nila sa fans. May swapping din na magaganap sa kanilang mga kakantahin at for the first time ay ilalahad nila ang mga back story ng iba nilang hit songs na hindi pa nila nababanggit.

Andrea, may panlaban sa mga scammer

Inilunsad ng ABS-CBN ang public service advocacy video series na Spot the Scam tampok ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Robi Domingo, at ang grupong BINI.

 Layunin ng adbokasiya na maghatid ng impormasyon ukol sa iba’t ibang scam sa social media at paraan kung paano makakaiwas ang publiko dito.

 Nagbigay si Andrea ng mga halimbawa ng iba’t ibang pagpapanggap na ginagawa ng scammers online at mga paalala kung paano hindi maging biktima ng mga ito.

 May hatid ding paalala ang Nation’s Girl Group, BINI, kung paano matitiyak na lehitimo ang accounts online.

 Tinukoy naman ni Kyle ang mga babala sa pinsalang dala ng pagsuporta sa mga content na pinirata, tulad ng virus at malware.

 Samantala, inisa-isa nina Maymay at Robi ang mga paraan kung paano magsuri ng deepfake content, na gumagaya ng itsura at boses ng mga kilalang personalidad. Kasama rito ang pagsusuri ng source at pag-obserb sa paggalaw ng labi.

 Ang videos ay ipinapalabas sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with