^

Pang Movies

Malacañang 3, shelved muna!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Pansamantala pala munang mase-shelve ang part 3 ng Maid in Malacañang na Mabuhay, Aloha, Mabuhay dahil sobrang busy ngayon ni Sen. Imee Marcos sa kanyang mga proyekto.

Bukod pa nga rito ay magiging busy rin siya sa campaign bilang re-electionist sa Halalan 2025. “Hindi na natuloy ‘yung 3rd film kasi naabutan na ng eleksyon, eh, sey ni Sen. Imee nang makausap namin kahapon sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery.

“Tinamad na kami, eh. Nagkabisi-busy-han,” dagdag pa niya.

Pero sinigurado naman niyang matutuloy pa rin and 3rd and final part ng trilogy film pero hindi pa niya masabi kung kailan. “Matutuloy ‘yon, kaya lang, hindi ngayon. Na-busy na lahat, eh,” aniya.

Tungkol naman sa napabalitang magkakaroon na ng TV series ang Maid in Malacañang, ayon kay Sen. Imee ay nagkaroon nga raw sila ng diskusyon tungkol dito. “Marami kasing may iba’t ibang idea, pero hindi pa namin alam, eh. Naisantabi na muna dahil nga sa eleksyon,” sey ng Senadora.

And speaking of election, nahingan din si Sen. Imee ng reaksyon sa rami nga ng bilang ng mga artistang kakandidato sa darating na halalan at aniya, this is a democratic country kaya lahat ay may karapatan namang tumakbo. Pero malaking bentahe raw talaga sa mga artista ang kanilang pangalan dahil kilala agad sila ng mga botante.

Ang payo na lang niya sa mga artistang tatakbo, “gamitin ang plataporma ng pulitika para makatulong sa tao. Mag-aral nang maigi, makinig nang puspusan at hindi lamang pansarili ang posisyon kundi serbisyo-publiko talaga.”

Samantala, isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Sen. Imee ay ang proyekto niyang Young Creatives Challenge para maipakita ang mga talento ng mga Pinoy. She just launched the Season 2 of the said program recently kung saan ay may P1 million grand prize na ibibigay sa mananalo sa bawat kategorya tulad ng songwriting, screenwriting, playwriting, graphic novels, animation, game development, at online content creation.

Anyway, speaking of Pandesal Forum, nais ipa­alam ni Wilson na magkakaroon ng World Pandesal Day on Oct. 16, Wednesday, 10 a.m. at 85-year-old Kamuning Bakery Cafe in QC, free 100,000 Pandesal & other foods.

Donnalyn, walang selos kina JM at Lovi!

Trailer pa lang ng pelikulang Guilty Pleasure na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jameson Blake and JM de Guzman ay umaatikabo nang sizzling scenes ng tatlong lead stars ang mapapanood.

Parehong may matitinding love scenes si Lovi sa kanyang dalawang leading men na talaga namang ngayon pa lang ay pinag-uusapan na.

Sa grand mediacon na ginanap para sa naturang pelikula ay natanong nga ang tatlo kung hindi ba nagselos ang kani-kanilang real-life partners sa maseselan nilang eksena lalo na nga si JM since bago pa lang ang relasyon nila ng vlogger/singer na si Donnalyn Bartolome.

Ayon kay JM ay napanood naman daw ni Donnalyn ang trailer at aprubado naman daw ito ng GF.

Ano ang sabi ni Donna sa kanya? “Ah, ang galing ko,” nakangiting tugon ni JM.

Hindi ba na-awkward si Donna sa love scenes nila ni Lovi?

“Hindi naman po. Sobrang maintindihin siya,” matipid niyang sagot.

Natanong nga rin ang aktor kung hindi ba selosa si Donna at aniya, “hindi po.”

Si Lovi naman ay noon pa niya talaga sinasabi na sobrang understanding daw ang asawa niyang si Monty Blencowe sa kanyang trabaho. “Very supportive siya. I’m glad na my husband, hindi niya ako binibigyan ng limitations. Alam nya, part ‘yun ng job ko and sinabi ko rin sa kanya kung ano ‘yung story. It’s not like we needed to explain, it was just a conversation,” she said.

Pero aminado ang aktres na ‘yung nasa trailer na kumandong siya kay JM while making love ay hindi pa niya nagawa sa kanyang mister. Kaya naman sey niya, ibang-iba ang karakter niya sa movie sa totoong buhay.

But more than the sexy scenes, ayon kay Lovi at sa direktor na si Connie Macatuno, ang mas dapat daw abangan sa pelikula nito ay ang story itself dahil isa raw ito sa maseselang issue sa bansa na bihira nating mapanood.

Showing na mga sinehan ang Guilty Pleasure ngayong Oct. 16 hatid ng Regal Entertainment and C’est Lovi Productions.

MALACAñANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with