Pinakabagong digital perya sinampulan ni Maine!
MANILA, Philippines — Ipinakilala ng BingoPlus ang bagong bersyon ng perya game nito na Pinoy Drop Ball na dinaluhan ng mga kilalang personalidad noong Linggo, Setyembre 29, sa Grand Hyatt Manila.
Tampok nga sa paglulunsad ang BingoPlus endorser at TV host Maine Mendoza, at ilan pang sikat na artist tulad nina Julie Anne San Jose at ang Alamat, mga kilalang idol sa PPop.
Ang bagong palaro nga na ito ay tinaguriang “homegrown creation” o nilikha ng mga Pinoy para sa mga Pinoy, upang ibalik ang pakiramdam ng karanasan sa perya na kilala at mahal ng mga Pilipino.
Kalahok na ang Pinoy Drop Ball sa popular na mga digital na laro ng DigiPlus, gaya ng Bingo, Tongits, at Perya Games.
Higit sa pagiging isang panibagong laro, sinasalamin nito ang malalim na pagkilala ng DigiPlus.
“Misyon naming iangat ang tradisyonal na Pinoy entertainment upang makasabay sa modernong panahon. Katulad ng minahal na mga Pilipinong laro gaya ng Bingo Mega, Color Game, Papula Paputi, ipinapangako ng Pinoy Drop Ball na pasasabikin ang mga manlalaro at mas lalo pang mahihikayat na sumali sa BingoPlus Platform,” ani DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco sa kanyang talumpati sa grand reveal.
“Tanda ang Drop Ball na pasulong tayo sa misyong ito, at patuloy ang BingoPlus sa pagtulay ng mga offline na tradisyon at modernong teknolohiya, upang maglikha ng mas nakasasabik na karanasan para sa lahat,” dagdag niya.
Sa paglulunsad nito, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang karanasan ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila nang ilang henerasyon.
- Latest