^

Pang Movies

Aljur, biglang na-appreciate si AJ

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aljur, biglang na-appreciate si AJ
Aljur Abrenica at AJ Raval.
STAR/ File

Sinagot nga ba ni Aljur Abrenica ang naging pahayag ng dati niyang misis na si Kylie Padilla?

Umani ng sari-saring reaksyon ang appreciation post ni Aljur para sa karelasyong si AJ Raval kasama ng litrato nila.

Nagpasalamat siya kay AJ sa pagtanggap nito sa kanya. Ang unconditional love raw nito ang nagpapaalala sa kanya araw-araw na sapat siya.

“I’m so grateful to have you by my side, ce­lebrating our beautiful journey together,” bahagi pa ng caption ng ex-hubby ni Kylie.

Pero marami pa rin ang nag-nega sa post niya.

Mukhang nasa rocky road daw ang relasyon ng dalawa ngayon ayon sa netizen kaya napa-post ito.

Ang iba naman ay palagay nila ay konektado ito sa sinabi kamakailan ng anak ni Robin Padilla.

Maaalala kasing nag-post si Kylie ng isang clip kasama ang mga anak niya kay Aljur na sina Alas at Axl. Nang magkomento ang isang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ng dating mister ay sinabi niyang “no thanks. We good,” bilang pagtanggi.

Kaya pakiramdam ng netizens ay nag-post ito bilang sagot sa nanay ng mga anak niya.

Well, may edad na sila ‘wag na natin silang pakialaman sa buhay nila.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with