^

Pang Movies

Barbie, napatawad ni Coco?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Barbie, napatawad ni Coco?!
Barbie Imperial

Pnabulaanan ng ABS-CBN na tsugi na si Barbie Imperial sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Naglabas nga ng statement ang Kapamilya network sa Instagram at sinabi ng management na nakapag-usap na sina Coco Martin, Barbie at ang production team kaya’t tuloy ang aktres sa serye.

Narito ang official statement ng ABS-CBN:

“Walang katotohanan ang mga usap-usapan na wala na si Barbie Imperial sa ‘FPJ’s Batang Quiapo.’

“Nakapag-usap sina Barbie, Coco Martin at ang production team, at tuloy-tuloy pa rin ang pagganap niya bilang Tisay.

“Abangan ang mga exciting na eksena sa mga susunod na epi-sode.

“Maraming salamat, Kapamilya!”

Ayan, malinaw na malinaw na hindi tsugi sa FPJ’s Batang Quiapo si Barbie dahil diumano sa pagliliwaliw nito sa Italy kasa-ma si Richard Gutierrez dahil sa seryeng Incognito na hindi naman pala ito kasama.

Eh ang chika, naapektuhan ang production ng Batang Quiapo dahil kakapasok lang ni Barbie.

Pinairal diumano nito ang pagiging bratty at entitled.

Sunud-sunod nga ang post ni Barbie habang nasa Italy ito bagama’t walang photos na magkasama sila ni Richard.

Halloween filmfest sa sm, katuwang ang Viva

Ang lakas ng ‘takot’ sa mga pelikulang kasali sa gaganaping Sine Sindak, ang Halloween-themed film festival ng SM Cinema, na-ika-limang edisyon this year.

Nagbabalik nga ang inaabangang horror filmfest na Sine Sindak 2024 ngayong October.

Ito ay isang annual movie event na inihanda para sa lahat ng mahilig manood ng horror movies, exclusively sa SM Cinemas simula Oct. 30 hanggang Nov. 5.

Ngayong taon, katuwang ng SM Cinemas ang Viva Films, na may apat na entries.

Mula sa produksyon na naghatid ng hit horror movies tulad ng Deleter, Mary Cherry Chua, Marita at marami pang iba, nakapangingilabot ang movie experience rito.

Abangan ang local film entries na Pasahero at Nanay, Tatay at ang dalawang foreign films na The Thorn: One Sacred Night at House of Sayuri.

Ang Pasahero ay isang suspense-horror film na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes, Yumi Garcia, Katya Santos, Mark Anthony Fernandez, Keann Johnson, Andre Yllana, Rafa Siguion-Reyna, Dani Zee at Bea Binene, mula sa direksyon ni Roman Perez Jr.,

Ito ay tungkol sa pitong pasahero ng tren na magiging saksi sa isang karumal-dumal na krimen, pero pipiliing ‘wag makialam at manahimik na lang.

Hindi magtatagal ay bubulabugin sila ng kanilang konsensya at may mga haharaping kapahamakan na may kinalaman sa naging insidente sa tren.

Isang family horror naman ang Nanay, Tatay na pagbibidahan nina Aubrey Caraan, Andrea del Rosario, Heart Ryan, Elia Ilano, Jeffrey Hidalgo, Billy Vileta at Xia Vigor.

Tungkol sa tatlong ulila, sina Olive (Xia Vigor), Paula (Ash Bogay), at Bettina (Aubrey Caraan) na nakatakas sa umampon sa kanilang sina Amanda (Andrea del Rosario) at Lito (Jeff Hidalgo), na nawalan ng anak na si Malena. Natuklasan ng mga ulila na si Malena, na sinapian ng demonyo dahil sa kasunduan ng kanyang mga magulang, ay nakakulong sa stockroom.

Habang hinahabol sila ni Malena, napipilitan ang mga ulila na pagnakawan ang mag-asawa. Ang labanan ay humantong sa ilang pagkamatay, kabilang ang mag-asawa.

Ang The Thorn: One Sacred Night ay tungkol naman sa isang lalaking nawalan ng pamilya dahil sa isang trahedya. Mababalot ng kababalaghan ang kanilang lugar at hihingin nila ang tulong ng lalaki para malabanan ito.

Matapos ang pagtulong, makakahanap ang lalaki ng mga bagong ebidensya tungkol sa pagkamatay ng kanyang pamilya at madidiskubre ang isang masamang espiritung gagambala sa kanya.

Ito ay obra ng kilala at critically-acclaimed director na si Hanny Saputra.

Pang-apat ang House of Sayuri na isang Japanese film tungkol sa pamilyang lilipat sa pinapangarap na bahay. Ang hindi nila alam, ang bahay ay nababalot ng katatakutan at binabahayan ng isang espiritung nagdadala ng lagim sa sinumang nakatira rito.

Hango sa legendary horror comic ni Rensuke Oshikiri, ito ay pelikula ng kilalang Japanese horror director na si Koji Shiraishi.

Sa mga napanood naming trailer ng mga kasaling pelikula sa ginanap na media launching nito noong isang araw sa SM North EDSA Cinema 6, kung saan din nagkaroon ng contract signing between SM and Viva Films, ang lakas manakot ng mga pelikula. Kakakilabot at sakto sa Halloween.

P150 per screening lang ang movie at halagang P300 naman ang all-day pass sa lahat ng entries.

Maaaring bumili ng tickets simula Oct. 9.

Isang linggo itong pagdiriwang ng lahat ng bagay na nakakatakot, na nagtatampok ng horror films, international ang local films.

Ngayong 2024, ang Sine Sindak ay mag-uumpisa sa Oktubre 30 until Nov. 5.

Marian, may collection ng mga manikang kilalang matalas ang ngipin

Massive ang collection ni Marian Rivera ng Labubu. Large size ang mga Labubu niya na naka-upload sa Instagram story niya.

Tho mukhang gift lang ito ng kaibigan niya.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, fluffy ang labubu na duwende at nilikha ng artist from Hong Kong – Kasing Lung – at kilala sa pamamagitan ng matutulis na tenga, nakakainis na ngiti at matatalas na ngipin.

Ipinakilala ang Labubu dolls noong 2015, naging sikat ito mula noon na mas lumakas sa endorsement ni Lisa ng Blackpink.

Makikita mo ito ngayong nakasabit sa mga luxury brand like Hermes bag.

Aside from Marian, ang dami ring labubu doll ni Jinkee Pacquiao.

Anyway, ika-7 anibersaryo na pala ng drama anthology ng GMA Public Affairs na Tadhana, na pinangungunahan ng Kapuso Primetime Queen at patuloy na nagbibigay-inspirasyon.

Bilang selebrasyon magkakaroon sila ng special three-part episode na mapapanood simula ngayong Oktubre 5.

Ang episode na ito pinamagatang Sino si Alice? tampok ang Kapuso stars na sina Herlene Budol, Mon Confiado, Jon Lucas, Thea Tolentino, at Kim Perez.

“Ang maganda kasi sa Tadhana, sa bawat dulo ng kuwento, may matututunan ka, may advice na maibibigay sa’yo. Even ikaw na nagkukuwento ng sarili mong buhay, ‘yung kuwento na ibinibigay mo sa audience, nabibigyan sila ng pag-asa at inspirasyon,” paliwanag ni Marian kung bakit tumatagal ang programa.

Nagpasalamat din siya sa Kapuso viewers who show their unwavering support to Tadhana throughout the years, “Maraming-maraming salamat po sa inyo. Sana po ay huwag kayong magsawang suportahan ang Tadhana dahil hindi po kami titigil na bigyan kayo ng pag-asa at inspirasyon sa bawat kuwentong aming ipalalabas.”

Mapapanood ang Tadhana’s special anniversary episode Sino si Alice? on Oct. 5, 12, and 19, 3:15 p.m. sa GMA.

 

BARBIE IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with