Juliana, naghahanda na rin sa pulitika?!
Wala nang atrasan ang pagpasok sa pulitika ng mag-iinang sina Vilma Santos, Lucky Manzano at Ryan Christian Recto. Nag-file na sila ng COC sa Comelec.
Ang feedback na narinig namin, si Ate Vi raw ay hindi na kailangang magkampanya, si Ryan Christian baka tumakbong unopposed dahil wala pang pumoporma sa Lipa bilang congressman liban sa kanya. Si Lucky ang medyo kailangang magkampanya nang husto.
Sabay na ring nag-file ng COC sina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez Hahabulin ni Congressman Goma ang kanyang second term, at ganoon din si Mayor Lucy.
Kasama nila noong magharap ng COC ang kanilang anak na si Juliana, pero hindi kakandidato si Juliana, bagama’t nag-aral siya ng public administration at naging cum laude pa.
“Bata pa si Juliana para diyan,” ang sabi ni Cong Goma.
Tito Sen, lalayasan muna ulit ang EB
Sabay-sabay rin ang planong pagbabalik sa Senado nina Tito Sen (Tito Sotto) at Lito Lapid.
Mukhang maiiwan na naman ni Tito Sen ang Eat Bulaga, pero tapos na namang lahat ang problema ng programa. Panatag naman ang loob nila sa TV5.
Ex-male sexy star, may rent a car / body
Talagang nakakaawa ang isang dating sikat na male sexy star. Bumagsak ang kanyang career noong hindi na uso ang mga pelikulang ST, at maging ang kumpanyang dati ay home studio niya ay nagsara na. Ang kasunod noon ay nag-ahente na lang siya ng kung anu-ano dahil siyempre ang tingin niya sa sarili niya ay sikat siya, at maaaring marami pa ang “nagnanasa sa kanya,” pero mali siya dahil hindi na nga siya halos pinapansin.
Noong huli ay nag-alok na siya ng car rental, na siya mismo ang driver, at may sources kaming nagsasabi na basta raw kinuha mo siya, mag-aalok din ng serbisyo liban sa pagiging driver para siguro mapalaki ang kita.
Pero sino pa ba ang magkaka-interest sa kanya eh matanda na siya at iyong mga sinasabi naman nung araw na “katangian niya” ay publicity lang pala.
Iyan ang problema sa mga artista kung hindi nag-ipon sa panahon ng kanilang kasikatan.
Weather report, high tech na!
Nitong mga nakaraang araw, napansin namin na grabe ang internet talaga. Mayroon silang oras-oras na weather report, nasasabi kung uulan at kung saan uulan. Nasasabi nila ang lakas ng ihip ng hangin sa isang specified location. Nasasabi nila ang tinatayang temperatura sa mga piling lugar.
Napakalayo na niyan sa weather report na naririnig mo sa telebisyon dalawang beses isang araw lamang.
- Latest