^

Pang Movies

Nadine, huli na ang ginawa kina James at Issa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nadine, huli na ang ginawa kina James at Issa!
James at Issa

Talaga bang masasabing malaking issue kung i-unfollow man ni Nadine Lustre sina James Reid at Issa Pressman?

In the first place ano ba naman ang dahilan para mag-follow pa siya sa dalawa. Si James Reid ay ex na niya.

Ilang taon na ba silang split at may kanya-kanya na silang karelasyon. Kung tutuusin nga, dapat noon pa lang i-unfollow na ni Nadine si James. 

Eh di lalo naman kay Issa Pressman, ano naman ang mapapala niya sa pag-follow kay Issa Pressman?

Si Nadine, dapat lumevel na siya roon sa mas malalaking stars. Tingnan ninyo ngayon, ang kasama niya sa pelikula ay sina Vilma Santos at Aga Muhlach, malaking asenso iyan. Hindi man niya ma-claim later on na siya ang dahilan sa success ng pelikula, the fact na maihanay ka lang kina Vilma at Aga, napakalaking bagay na noon.

Diego, gustong tularan ang Lola Pilita niya

Sa Oct. 2, kasabay ng birthday ng kanyang kapatid na si Janine Gutierrez, ilulunsad na rin daw ang isang panibagong kanta na ginawa ni Diego Gutierrez. Kung noon ay sinasabing seryoso lang siya sa basketball, ngayon hindi lamang siya singer kundi composer pa rin, siya kasi ang gumawa ng kanta niya.

Natawag ang aming pansin sa sinabi ni Diego na ang pangarap niya ay maka-collab ang kanyang lolang si Pilita Corrales.

Natural lang naman iyon dahil si Pilita ay isang haligi na ng industriya ng musika sa ating bansa. Isa si Pilita sa mga Pilipinong kinikilala maging sa abroad kaya nga siya tinawag na ‘Asia’s Queen of Songs.’

At si Pilita ay hindi lamang singer ha, isa rin siyang iginagalang na aktres at ang mga pelikula niya noon lahat ay hits din, pero mas mahal niya ang pag-awit.

Kim, hindi basta paandar

Bakit nga kaya tinatawag nilang “paandar princess” si Kim Chiu?

May nagsabi sa amin na iyon daw ay dahil napakahilig niya sa gowns na medyo revealing para makatawag siya ng pansin sa mga okasyon. Pero ano naman ang masama kung ganun man kung may ipapakita naman siyang talaga.

Ang “paandar” ay iyong puro porma wala namang mailalabas, si Kim ay meron.

Enzo, may nilinaw sa panghahalay na naranasan

Nilinaw ni Enzo Almario na bagama’t lumantad na rin siya na isa sa mga inabuso ng isang musical director noon ng GMA 7, hindi naman niya idinadamay ang network at wala raw siyang reklamo sa network.

Hindi naman kasi siya nagreklamo noong hinalay siya. Natakot at nahiya siya kaya maski pala sa magulang niya hindi niya inamin na pinagsamantalahan siya ng musical director na bakla.

Singer-aktres, napipilitang lumagare para sa mister

“Kahit na anong trabaho iyan, kahit na ayaw na niya, kailangan niyang tanggapin ngayon dahil kailangan niyang makaipong muli ng pera para sa ambisyon ng kanyang asawa,” sabi nila tungkol sa isang singer-aktres na biglang available kahit na sa mga trabahong tinanggihan na niyang gawin.

Wala naman siyang magagawa dahil nagmukhang “puto” ang kanyang asawa, at kailangang tulungan niya iyong makabawi sa ambisyon para may maipagmalaki rin siya.

Ang taas naman kasi ng ambisyon ng asawa niya at ambisyon na rin niya.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with