^

Pang Movies

Docu film ni Jung Kook, Rated PG

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Docu film ni Jung Kook, Rated PG
Jung Kook

Bongga ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Linggu-linggo sila may rating na inilalabas sa mga nakalinyang mapanood sa mga sinehan.

Ang pelikulang Transformers One ay nakatanggap ng Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Rated PG din ang pelikulang Coraline, isang 3D remastered film.

Maging ang dokyumentaryong konsyerto na pinamagatang Jung Kook: I Am Still, na pinagbibidahan ng kilalang Korean pop star na si Jungkook.

Paliwanag ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “Sa ilalim ng rated PG, mayroong mga tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, at katatakutan na posibleng hindi angkop sa mga batang manonood na may edad labingdalawa (12) at pababa, at kinakailangan ng paggabay ng magulang o nakatatanda.”

Ang pelikulang Taklee Genesis ng Warner Bros. naman ay nakatanggap ng Restricted-13 (R-13) dahil sa komplikadong tema at eksenang karahasan at katatakutan na posibleng nakababahala at hindi angkop sa mga edad 12 at pababa.

Restricted-16 o R-16 naman ang pelikulang Never Let Go na pinagbibidahan ni Halle Berry. Ang R-16 na pelikula ay para lamang sa mga edad labing-anim at pataas.

Dasal ko na lang na maraming manood ng mga pelikula sa sinehan at ‘wag magkuripot.

Maraming pelikula at ang sabi ay magaganda pero ‘yun nga, walang nanonood dahil nasanay na sa cell phone na lang sila nakatutok.

Hindi bongga ang ganito.

vuukle comment

JUNG KOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with