^

Pang Movies

Sandro, maraming bala sa dalawang bakla?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sandro, maraming bala sa dalawang bakla?!
Sandro Muhlach

Wala naman palang conflict sa lumabas na findings ng medico legal sa kaso ni Sandro Muhlach. Masyado lang binibigyan ng diin iyon para masabing wala siyang ebidensiya laban sa dalawang baklang independent contractors ng GMA 7.

Papaano mo nga siyang hahanapan ng lacerations eh hindi naman niya sinabing pinasok siya, “dinilaan” lang naman daw siya sa likod na bahagi niya, ganundin sa private parts. Tapos ay sinack din ang dibdib niya. Wala ngang makikitang lacerations pero hindi nangangahulugan iyon na hindi siya ginawan ng kahalayan.

Wala raw nakitang bakas ng droga kay Sandro, kaya hindi niya masasabing siya ay restrained, pero hindi lang ang droga ang may ganung epekto, ganundin ang epekto ng takot na nadama niya.

Gaya rin nang una niyang makaharap ang dalawang suspects sa DOJ matapos ang panghahalay, nagpakita siya ng takot at trauma, hindi violence kagaya ng unang sinabi ng abogado ng dalawang bakla. Pero normal iyan dahil para sa depensa, ang kailangan nila ay ma-discredit ang complainant para sila makalibre, at mukha ngang ang kanilang abogado ay bihasa na sa mga kaso ng rape.

Saka hindi dapat pangunahan ang piskalya sa kanilang gagawing desisyon, hindi rin dapat pangunahan ang korte sa kung ano man ang kalalabasan ng reklamo.

Pero may mga lumalabas pa ha, isang baguhang male star din naman itong si Dustin Yu na ang paha­yag ay nakaranas din raw siya ng sexual abuse, hindi naman sa showbusiness, kundi habang siya ay nakasakay sa siksikang MRT.

Habang siksikan, hinipuan daw siya ng isang lalaki, na malamang ay bakla. Hindi raw siya nakapag-react dahil naunahan siya ng takot. At nang bumaba siya sa istasyon ay nakita niyang sinusundan pa siya ng bakla kaya tumakbo siyang palayo.

Nawawala na raw iyon sa kanyang pag-iisip nang marinig niya ang kaso ni Sandro at muling bumalik sa isip niya ang kanyang naging karanasan.

Nagiging common na ang mga ganyang pangyayari, hindi dahil sa tama iyan kundi dahil maging sa mga palabas sa telebisyon at lalo na sa Internet ay ipinakikita na ang malayang pagtatalik ng mga lalaki sa lalaki, iyan ay propaganda o pagkukundisyon ng isip ng mga bading para ang ginagawa nila ay lumabas na katanggap-tanggap na sa lipunan.

Kung ang isang bagay na mali ay palaging nakikita, nagiging karaniwan na iyon hanggang sa dumating ang panahon na isipin ng mga tao na iyon ay ok lang.

Lea, pabor kay Dolphy na gawaran ng National Artist

Idiniin ni Lea Salonga na tumanggap ng Gawad Parangal ng CCP na para sa kanya ay dapat ding ideklarang national artist si Dolphy.

Matagal na iyan, at dalawang beses ding sinilat si Mang Dolphy sa national artist nomination. Ang sabi, hindi raw nagustuhan ng iba ang kanyang ginawang mga pelikulang Pacifica Faylayfay at Pepita Fofonggay na kung saan ginawang katawatawa ang mga bakla.

Iyon ang ilan sa mga dahilan kung bakit binigyan din ni Presidente Noynoy ng isang presidential award si Mang Dolphy dahil sa kanyang mga naitulong para hubugin ang mga kabataan. Kumilos din ang noon ay mayor ng Maynila Alfredo Lim upang ito ay mabigyan ng parangal at ipinatayo ang isang monumento niya sa Roxas Boulevard, katapat ng Museong Pambata para gunitain siya.

Ang pagiging isang national artist, bagama’t ang layunin ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nang likhain iyan ay parangalan ang mga lehitimong alagad ng sining ay nagamit din sa pulitika at pansariling interest ng ilan. Kaya nga nitong bandang huli hindi na halos pinapansin ang mga national artists. ‘Di gaya noong araw na ang kinikilalang mga national artists ay kagaya nina Lucrecia Kasilag, Lucrecia Urtula, Fernando Amorsolo, Lucio San Pedro, Levi Celario, at iba pa na kinikilalang mga tunay na artista ng bayan.

Ngayon may mga artista ng bayan na hindi na matanggap ng karamihan at alam na naideklara dahil ipinagpilitan lamang ng mga gumagawa ng nominasyon.

SANDRO MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with