Liza, tinulungang lumaya ang BF na nanloko kay James?!
Si Liza Soberano pala ang tumulong kung bakit nakalaya ang business partner ni James Reid na si Jeffrey Oh nang makulong ito last year.
Matatandaang inaresto ang rumored boyfriend ni Liza ng Bureau of Immigration noong July, 2023 dahil umano sa wala itong permit para makapagtrabaho o makapagnegosyo sa Pilipinas bilang ang nationality nito ay Korean-American.
Sa kwento ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ay humingi raw ng tulong itong si Liza kay James Reid para makalaya si Oh.
“In fairness, dahil sa friendship ni Liza kaya natulungang makalabas si Jeffrey Oh,” tsika ni Ogie.
Dahil nga napapabalitang boyfriend ni Liza itong si Oh, ayon kay Ogie ay pinag-iingat naman daw ni James ang aktres sa nasabing negosyante.
Matatandaan ngang ini-reveal na ni James ang mga ginawang panloloko umano sa kanya ni Oh at ayon nga sa aktor, ang importanteng natutunan niya rito ay huwag basta-basta magtiwala.
Ang mensahe naman ni Ogie kay Liza, sana raw ay magising na ito sa katotohanan. Kilala raw niyang mabait na bata ang kanyang dating alaga at hindi lang daw niya maintindihan kung bakit napakalaki ng ipinagbago. Ang paniwala nga niya ay nadidiktahan lang ang aktres ngayon kaya sana raw ay matauhan na ito.
Well, natauhan na si James Reid at heto nga’t babalikan ang acting career. Hopefully ay sumunod na si Liza dahil naniniwala rin naman kaming may babalikan pa siyang career dito sa Pilipinas.
Xian, nagpipiloto
Maraming ginulat si Xian Lian sa kanyang Instagram post na nag-aaral siya ngayong maging piloto.
Ipinost ni Xian ang mga larawan niya habang nagkaklase sa aviation school na Topflite Academy.
“Solid class today with Captain (David Robin), Captain (Paul Cereno), and Captain (Johan Nesco),” caption ng aktor.
Nag-post din ng reel sa IG ang isa niyang classmate na nagulat nang makita ang aktor.
“Didn’t know Xian Lim wanted to become a pilot,” caption ng classmate ni Xian.
Sa nasabing reel ay tinanong si Xian kung kailan pa niya gustong maging pilot at ayon sa aktor, bata pa lang siya ay interesado na siya sa eroplano.
“It’s always in my mind since I was a kid. Parang there’s always certain level of respect when I meet a pilot. When I look up in the sky, parang ‘how does that even work?’ ‘Di ba?
“How does a plane works? How does it fly?’ So parang it’s been a constant… yeah, it’s a thing na gusto ko talagang gawin but I just didn’t know how,” sabi ni Xian.
Suportado naman ng fans and netizens si Xian sa kanyang bagong journey na ito at ngayon pa lang, captain na ang tawag nila sa aktor.
- Latest