^

Pang Movies

Kylie, senti sa sleep training ng mga anak

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, senti sa sleep training ng mga anak

Naging sentimental ang aktres na si Kylie Padilla sa kanyang life update post tungkol sa mga anak na sina Alas and Axl.

Ipinost ni Kylie ang video ng falls kung saan meron siyang mahabang caption at nag-story time.

Sinabi ng anak ni Sen. Robin Padilla na nagsisimula na sa sleep training ang mga anak niya sa aktor na si Aljur Abrenica. Kaya natutulog na raw ang mga ito sa sarili nilang kwarto tuwing kailangan niyang magtrabaho.

Nahihirapan daw siya tuwing nami-miss niya ang mga ito lalo na tuwing uuwi siyang tulog at umaalis siya na tulog pa ang mga ito.

Dahil dito, ang best part daw tungkol sa kanyang schedule ay ang kanyang days off.

Sinasadya nga raw niyang iwang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto para puntahan siya ng mga anak tuwing umaga at bigyan siya ng morning kisses at hugs.

Hindi raw alam ng mga ito na ito ang nagbibigay ng lakas sa kanya na tinawag niyang ‘fuel.’ Kakayanin daw niya ang kahit anong pagsubok basta may kiss at yakap siya mula sa mga anak.

Pinusuan ng mga tagahanga niya ang post at siguradong maraming magulang at single mom ang naka-relate sa kanya.

Maaalala namang inamin niya na meron nang nagpapatibok ng puso niya na isang non-showbiz guy habang ang dati niyang mister na si Aljur ay masaya sa piling na karelasyon nitong si AJ Raval.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with